Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Riding Tandem biktima ng agaw motorsiklo ng isa pang riding tandem sa Kabacan; 1 patay, 1 kritikal

(North Cotabato/ September 11, 2015) ---Patay ang isang 32 anyos na lalaki habang sugatan naman ang kasama nito matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang mga suspek sa Mantawil St. Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato dakung alas 11:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang namatay na si Lloyd Pascual,  may asawa, walang trabaho, residente ng Lambayong Sultan Kudarat, ang kasama nito na kinilalang si Marshall Vallez, 38 anyos, isang magsasaka at residente ng USM Avenue dito sa bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan PNP, tinatahak ng mga biktima ang nasabing kalye sakay sa isang Honda XRM na motorsiklo, kulay asul, may plakang MA 92926.

Bigla na lamang sumulpot ang mga suspek sakay sa di pa matukoy na uri ng motorsiklo at pinag babaril ang mga biktima ng maraming beses.

Tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang dahilan ng agarang kamatayan ni Pascual habang maswerte namang nakaligtas sa nasabing pamamaril Vallez kungsaan nanlaban pa ito sa mga suspek.

Nagtamo rin ng tama ng bala si Vallez pero nagawa pa nitong makatago sa kanal.

Dahil madilim ang lugar, hindi na siya nakita ng mga suspek na mabilis namang tumakas tangay ang kanilang minamanehong motorsiklo.

Tumakas ang mga ito sa direksiyon papuntang Sitio Lote, Brgy. Kayaga.


Agad namang nagkasa ng hot pursuit operation ang PNP, BPAT at JMAGS pero bigo silang mahuli ang suspek pero sa kabila nito, tatlo namang mga notoryos na kriminal ang kanilang nahuli kagabi kungsaan isa ditto ay sinasabing serial killer. Mark Anthony Pispis/ Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento