(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 10,
2015) ---Ipinagmalaki ni University of Southern Mindanao President Dr.
Francisco Gil Garcia ang katatagan ng Unibersidad sa katatapos na State of the
University Address o SUA ng Pangulo sa USM Ground nitong Lunes.
Aniya patuloy na lumalago at tumatatag ang
Pamantasan, ito dahil sa tulong ng bawat kawani, estudyante at mga stakeholders
nito.
Makikita umano ito dahil sa lumalaking
bilang ng mga mag-aaral ng USM na ngayon ay umaabot na sa mahigit sa 17 libu
kasama na dito USM Main campus Kabacan, USM-Kidapawan City Campus at ang Buluan
campus sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa kanyang pambungad na pananalita, agad na
humingi ng despensa ang Pangulo na hindi nito agad naihayag ang kanyang SUA,
ilang araw bago ang pagbubukas ng klase.
Sinabi nitong noon pang Agosto a-5 ng
nakaraang taon ng unang ihayag ni Dr. Garcia ang kanyang SUA matapos na
mailuklok ito bilang pangulo ng USM noong Pebrero a-14, 2014.
Inisa-isa ng Pangulo ang kalagayan o estado
ng USM kasama na rin ang mga nagawa nito sa kanyang kasalukuyang
administrasyon.
Bukod sa lumalaking bilang ng mga mag-aaral
sa USM, ipinagmalaki din nito ang pagpapalawak ng mga program offerings kungsaan
CHED Accredited at compliant programs ang USM kasama na rin ang mga competent
at outstanding faculty.
Maliban dito, inihayag din nito ang dagdag
na pondo ng Pamantasan sa kabila ng mga balitang budget cut sa mga SUCs.
Ipinagmalaki din ni Pres. Garcia ang
pagmamantina ng Center of Excellence ng College of Veterinary Medicine at
Center of Development ng College of Agriculture.
Sa kasalukuyan patuloy na lumalago ang
kakayanan ng USM na makapag-access sa mga matataas na kumprehensiya sa ibang
bansa at ang publication ng mga faculty research output sa mga international journals.
Pagpapalawak ng research at extension programs
kasama na ang mga aktibidad na may kaugnayan dito.
Gayunpaman, patuloy na pinapalawak ng USM
ang kanyang linkages mapa-lokal man o internasyunal.
Bago naghayag ng estado ng fourfold functions
ng USM ang Pangulo, kanya munang binalikan ang ilan sa mga highlights ng 2014.
Sa larangan ng instruction, ang College of
Veterinary Medicine ay namantina nila ang Center of Excellence status at pinarangalan
ng P5M para sa implementasiyon ng naaprubahang research programs o projects at
kanya ring pinuri ang pamunuan ng nasabing kolehiyo sa pangunguna ni CVM Dean
Dr. Emerlie Okit.
Maliban sa College of Veterinary Medicine,
namintina rin ng College of Agriculture ang Center of Development status nito o
COD kungsaan nabigyan ng P2M na annual brand ng Commission on Higher Education
ang kolehiyo na pinamumunuan ni CA Dean Dr. Purification Cahatian. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento