Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Student, panibagong biktima ng agaw motorsiklo sa loob mismo ng USM Campus

(Kabacan, North Cotabato/ September 10, 2015) ---Tinangay ng tatlong mga di pa nakilalang mga salarin ang isang motorsiklo ng estudyante ng USM sa Crossing IMEAS, USM compound, Kabacan Cotabato ala una ng hapon kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, minamaneho umano ng isang
John Carlowe Andres, 19 anyos, estudyante ng USM, at residente ng USM Housing ng nasabing lugar ang isang Honda Wave na motorsiklo, kulay puti, may plakang MZ 4635.

At pagsapit sa nasabing lugar ay tinutukan ang biktima ng kalibre .45 na pistol ng isa sa mga tatlong lalaking sakay sa isang di pa matukoy na uri ng motorsiklo.


Dahil sa takot ay wala nang nagawa ang biktima at ibinigay nalang ang motorsiklo.

Agad tumakas ang mga suspek sa di pa matukoy na direksyon matapos ang pangyayari.

Ang pinangyarihan ng insidente ay ilang metro lamang ang layo mula sa USM Security Outpost, pero ang on duty na security guard ang walang nagawa.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang hot pursuit operation ng Kabacan PNP para sa posibleng pagkarekober ng sasakyan at pagkadakip sa mga responsible sa krimen. Mark Anthony Pispis




0 comments:

Mag-post ng isang Komento