AMAS,
Kidapawan City (Sep
25) – Sa layuning maisulong pang lalo ang karapatan at proteksiyon ng mga
kabataan o youth, isinagawa ng Provincial Government of Cotabato ang 3-day Child
and Youth Summit 2015 kung saan tinalakay ang mga nangungunang issues and
concerns na kanilang kinakaharap.
Ayon kay Gov Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza, mahalagang mabigyan ng kaukulang pansin ang mga kabataan dahil
sila ang pag-asa at kinabukasan ng bayan kung kaya’t kailangan silang pakinggan
at suportahan.
Nakapaloob sa tatlong araw na summit mula
Sep. 23-25, 2015 ang paglahahad mismo ng mga kabataan ng mga problemang
kanilang kinakaharap tulad ng kahirapan, kakulangan o kawalan ng edukasyon,
child labor, drug abuse, rido, unstable peace and order sa ilang mga barangay
na apektado sa labanan ng armadong grupo at military at iba pang mga suliranin.