Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, biktima ng panibagong pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa panibagong insidente ng pamamaril sa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP ang biktima na si Michael Lumikid Mondia, nasa hustong edad, may asawa at magsasaka at residente ng Panikupan, Pikit, Cotabato.

Batay sa ulat, habang nakatayo ang biktima sa harap ng budget hotel ng lapitan ng di pa nakilalang riding tandem suspect sakay sa isang kulay itim na Kawasaki Rouser ng pagbabarilin ng mga suspek gamit ang kalibre .45 na pistol batay sa mga baling narekober sa crime scene.

Agad namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan matapos na magtamo ng tama ng bala sa leeg nito.

Patuloy pa ngayong inaalam ng mga kapulisan kung anu ang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento