(North Cotabato/ September 24, 2015) ---Pinangunahan
mismo ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP North Cotabato
Chapter ang pag-gunita kahapon ng ika-70 buwan ng Maguindanao Massacre.
Ayon kay NUJP Kidapawan Chapter Chair Malu
Manar nag alay ng panalangin at nag tirik ng kandila ang mga mamamahayag sa
Kidapawan city upang gunitain ang karumal-dumal na pagpatay sa 59 katao
karmihan ay mga kagawad ng media.
Inihayag din ng opisyal ang pinakahuling
update kaugnay sa kaso ng Maguindanao Masaker.
Una ay ang petition of bail ng isa sa
pangunahing akusado sa 2009 Ampatuan Massacre kungsaan ibinasura ang inihain ni
dating ARMM Gov. Datu Zaldy Ampatuan na makapag-piyansa.
Mismong si Judge Jocelyn Solis Reyes ng Quezon
City Trial Court RTC Branch 221 ang nag deny ng motion ng nakakatandang
ampatuan na makapag-piyansa.
Pangalawa, tiniyak naman ng hukom na bago matapos
ang taong ito ay matatapos na ang mag pagdinig sa kaso ng Maguindanao Massacre
at makapagpalabas na ng hatol ang korte suprema.
Ito ang tiniyak ni Solis sa pamunuan ng NUJP
na nagsusubaybay sa kaso ng Maguindanao Massacre.
Ang Maguindanao Massacre ay eksaktong 70
buwan na kahapon at mahigit 5 taon na matapos mangyari ang pagpaslang sa 59
katao karamhihan mga mamamahayag sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento