(North Cotabato/ September 25, 2015) ---Hindi
na nakapalag ang isang 35-anyos na ama nang posasan ng mga awtoridad dahil sa
umano’y panghahalay sa dalawang sariling anak sa Kidapawan City kahapon.
Isa umano sa anak ng suspek ay person with
disability o PWD.
Nahuli ang suspek dalawang araw matapos
magsumbong ang lolo ng mga biktima sa himpilan ng pulisya.
Sa bisa ng search warrant na inilabas ng
korte, tuluyan nang bumagsak ang suspek sa kamay ng mga awtoridad matapos ang
ginawang operasyon sa pamumuno ni Sr. Insp. Samuel Bascon, deputy chief ng
Kidapawan City Police sa mismong bahay ng una.
Nabatid na matagal na umanong minomolestya
ng suspek ang dalawang anak.
Tinatakot umano niya ang mga anak para hindi
magsumbong sa mga pulis o kaanak sa ginagawang pang-aabuso. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento