(Amas, Kidapawan City/ September 24, 2015)
---Isinailalim sa mandatory Drug test ang 120 mga pulis sa lalawigan ng North
Cotabato na isinagawa sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan city kahapon.
Sa panayam ng DXVL News kay Provincial
Director PSSupt. Alexander Tagum layon nito na malinis ang hanay ng mga
kapulisan sa Cotabato Police Provincial Office bago nila ilunsad ang kampaya
laban sa illegal na droga.
Nanguna mismo si Tagum na nagsumite ng
kanyang urine sample para sa screening kungsaan sorpresa itong isinagawa sa mga
pulis.
Ayon sa bagong Provincial Director na hindi
naman lahat isinalang sa drug test.
Inuna muna nila yaong mga pulis na
pinagdududahan nila’ng gumagamit ng shabu o sangkot sa bentahan ng droga sa
kanilang area-of-responsibility, base sa lumalabas na intelligence reports.
Bago pa magtapos ang mandatory drug test,
tatlong mga kwestyunableng urine sample ang agad nakita ni Tagum.
Ayon sa kanya, kahit ‘di na gamitan pa ng
equipment ay kaduda-duda na raw ang laman ng botelya kaya’t agad niya’ng
ipinag-utos na pakuhanan uli ng bagong urine sample ang naturang mga pulis.
Sa tatlo, isa raw ang tumanggi kungsaan
umali ito ng walang paalam habang lunch break kahapon.
Ang nasabing pulis ay na-assign sa Antipas
PNP at anak ng konsehal sa Kidapawan city.
Dahil sa ginawa ng pulis, nakatakda siya’ng
kasuhan ni Tagum ng administratibo dahil sa umano pagtanggi niya na sumunod sa nasabing deriktiba.
Ang nasabing aktibidad ay magpapatuloy upang
tuluyang malinis ang yunit nila sa mga illegal na droga kung saan ito ang
kauna-unahang province-wide na mandatory drug test sa ilalim ng pamunuan ni
Tagum. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento