Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang Kawani ng USM na matagal ng naglingkod sa Pamantasan, binigyan ng pagkilala sa ika-115th Philippine Civil Service anniversary

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2015) ---Binigyan ng pagkilala ng University of Southern Mindanao ang ilang mga kawani ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao na naglingkod ng mahabang panahon sa ika-115th Philippine Civil Service anniversary kaninang umaga sa University Gymnasium.

Naging panauhing tagapagsalita si Hon. Eugene David Tancinco, ang Presiding Judge, Municipal Circuit Trial Court, Kabacan, North Cotabato.

Pinangunahan naman ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia ang nasabing programa kungsaan required namang dadalo ang mga mag-aaral, faculty at staff ng USM.

15 ang gagawaran ng Gold Service Pin na naglingkod ng 30 taon sa Pamantasan, 3 ang gagawaran ng Silver Service Pin na naglingkod ng 20 taon, 14 ang bibigyan ng Bronze Service Pin habang 3 naman ang gagawaran ng Loyalty to USM.

Binigyan din ng pagkilala ang nag lingkod sa Pamantasan ng 40 taon na kinabibilangan nina Mr. Ariel Garcia, Ms. Ima Garson, Prof.  Marian Saclot, Dr. James Gregory Salem, Dr. Evangeline Tangonan at Mr. Blang Waguia.

Maliban dito, kilalanin din ang mga retiradong kawani ng USM.


Tema ng selebrasyon sa taong ito ay: Kayang Kaya Mo! Lingkod Bayani. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento