Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

500 fruit trees at 500 rubber seedlings itinanim ng PCL-Cot Chapter

AMAS, Kidapawan City (Sep 21) – Abot sa 500 na mga fruit trees at 500 na rubber seedlings ang itinanim ng mga kasapi ng Philippine Councilors League – Cotabato Chapter kaugnay ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng samahan noong Sep. 18, 2015.

Ginawa ang tree planting sa bahagi ng Malinan Elementary School, Barangay Malinan, Kidapawan City kung saan abot sa 200 na mga miyembro ng PCL-Cot Chapter ang nakiisa sa aktibidad.
Ayon kay PCL-Cot President at Ex-Officio Board Member Rogelio Marañon, ito ay pagpapakita ng kanilang suporta sa anibersaryo ng PCL na may temang “Celebrating 25 Years of Public Service Above Self”.

Naniniwala ang PCL-Cot na sa pamamagitan ng dagdag na mga punong-kahoy ay lalakas lalo ang environment protection and preservation campaign ng pamahalaan.

Nakiisa sa aktibidad si Cot Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na nagpahayag ng ibayong suporta tree planting activity at sa iba pang isinusulong ng PCL-Cot Chapter.

Ikinatuwa naman ng Malinan Elementary School ang pagtatanim sa kanilang paaalan ng 1,000 punong kahoy dahil tiyak na makatutulong ito sa panahon ng kalamidad tulad ng flashflood at iba pa kaya’t sumama rin sa aktibidad ang pamunuan ng naturang paaralan. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento