(Carmen, North Cotabato/ September 24, 2015)
---Patay ang magpinsan matapos na magtalo at humantong sa pamamaril sa
panibagong krimen na naganap sa Sitio Matingao, Brgy. Malapag, Carmen, North
Cotabato alas 5:00 kahapon ng hapon.
Kinilala ni PSSupt. Alexander Tagum, Provincial
Director ng CPPO ang biktima na si Abubacar Buto Adam, 57-anyos, magsasaka at
residente ng nabanggit na lugar.
Habang kinilala naman ang pinsan nitong suspek
na bumaril sa biktima na si Ting Adam Adta, 49-anyos residente din ng nabanggit na lugar.
Batay sa ulat, habang naka-upo ang biktima
sa detachment ng Cafgu ay nilapitan ito ng kanyang pinsan na si Ting at
nagka-usap ang dalawa hanggang na nauwi sa pagkakainitan.
Dahil sa may dalang handgun ang suspek
kanyang binaril ang kanyang pinsan na si Abubacar Buto na naging dahilan ng
agaran nitong kamatayan.
Agad namang rumesponde ang mga CAA na
nakaduty na pinasusuko ang suspek.
Pero sa halip na sumuko ay binaril nito ang
mga CAA member dahilan kung bakit gumanti rin ng putok ang mga Cafgu kungsaan
natamaan sa ulo ang suspek na naging dahilan ng kamatayan nito.
Narekober naman ng Carmen PNP sa tulong ng
SOCO team sa crime scene ang isang caliber .45, 2 magazine, pitong mga bala at
ang wallet ni Adam at iba pa.
Agad namang inilibing ang dalawa batay sa
nakaugaliang tradisyon ng mga Muslim. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento