(Kabacan, North Cotabato/ September 24,
2015) ---Isinusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ang resolusyon na
maglaan ng karagdagang pondo para sa panibagong street lights connection sa
Poblacion ng Kabacan.
Ang resolusyon ay inihain ni Councilor
Reyman Saldivar.
Sa panayam ng DXVL News kay Kabacan Mayor
Herlo Guzman Jr., ipinaliwanag nitong bukod sa mga street lights ng Poblacion
na kasalukuyang ibinabalik ng Cotelco ay maglalagay din ng panibagong linya ang
Munisipyo sa mga lugar na di kayang maserbisyuhan ng street lights ng barangay.
Ginawa ng alkalde ang hakbang sapagkat ang
nasabing proyekto ay malaki ang tulong para sa seguridad ng bawat mamamayan.
Nakikita ng punong ehekutibo na karamihan sa
mga krimen ay nagaganap sa mga madidilim na kalye ng Poblacion.
Planu din ng opisyal na palawakin pa ang
serbisyo ng street lights sa iba pang mga lugar.
Nais din nitong tutukan ang peace and order
sa Poblacion kasabay ng pagsisimula ng Pasiklaban sa USM.
Maliban dito, nagpahayag din ng kanyang
mensahe ang alkalde para sa mga Kabataan kungsaan dumalo ito kagabi sa
nagpapatuloy na Child and youth Summit sa Kabacan kasama si Gov. Emmylou Lala
Talino Mendoza.
Samantala, aprubado na rin sa kanyang
tanggapan ang pagpapatupad ng speed limit sa National Highway mula sa Brgy.
Osias to Poblacion, Pobalcion to Brgy. Kayaga.
Anu mang araw simula ngayon ay magsisimula
na ang dry run para dito. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento