Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rape suspect, arestado ng Carmen PNP

(Carmen, North Cotabato/June 1, 2012) ---Kalaboso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang isang 48-anyos na rape suspect matapos maaresto ng Carmen PNP sa Brgy. Kibudtungan, Carmen, North Cotabato alas 7:35 noong Martes.

Nanguna sa pag-aresto si P/Chief Inspector Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP at Lt. Generoso Tayo sa suspek na si Salvador Seduco “alias” Bobby, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

SB Kabacan suportado ang kahilingan ng Kabacan Water District hinggil sa pag-oppose na isapribado ang nasabing GOCC

(Kabacan, North Cotabato/June 1, 2012) ---Suportado ngayon ng Sangguniang bayan ng Kabacan ang kahilingan ng Kabacan Water District sa pag-oppose ng Senate bill no. 2997 at House bill No. 5497.

Ito ayon kay Atty. Edmundo Apuhin, SB councilor/chair ng Committee on Rules and Privileges kungsaan dahil nais umano ng gobyerno ang private-public partnership na ayon sa opisyal ay mauuwi rin umano sa privatization ng mga Water district kagaya ng KWD.

Grupong 14 instruments nasa Kabacan para magbahagi ng mga aklat tungkol sa kalusugan

(Kabacan, North Cotabato/June 1, 2012) ---Naging bisita sa Sangguniang bayan ng Kabacan kahapon ang grupong 14 instruments mula sa Tupi, South Cotabato grupong nagbabahagi ng mga aklat patungkol sa kalusugan.

Suspek sa pagnanakaw ng kuryente, tiklo ng Carmen PNP; nagpapataya ng last two, arestado rin

(Carmen, North Cotabato/May 31, 2012) ---Matapos ang matagal na panahong pagtatago sa batas, naaresto na sa wakas, ng mga otoridad ang suspek na responsable sa pagnanakaw ng kuryente o paglabag sa Republic Act. 7832 o mas kilala sa tawag nag Anti-Pilferage Act.

Nanguna sina P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP at P02 Roy Delenia, Deputy chief of Police sa pag-aresto kay Ricardo Romano nasa tamang edad at residente ng Brgy. Aroman ng nabanggit na bayan.

Makilala LGU bibili ng heavy equipment

(Makilala, North Cotabato/May 31, 2012) ---Kung ang Kidapawan City LGU mangungutang ng P75 million sa banko para ibili ng heavy equipment, ang Makilala LGU nakatakdang bumili ng bagong bulldozer na tinaya sa mahigit P20 million.

Ang plano’ng ito ng Makilala LGU ay aprubado na sa Sangguniang Bayan ng Makilala.

Contractor sa isang road concreting project sa Arakan, North Cotabato pinate-terminate ng DPWH First Engineering District

(Arakan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Pinate-terminate na ng Department of Public Works and Highways o DPWH First Engineering District ang kontrata ng Masulot Construction Company dahil sa hindi mahusay na performance nito.
         
Ito ang sinabi ni OIC Cotabato District Engineer Mamintal Taha sa panayam.

Farmer- irrigators mangunguna sa ipinagpapatuloy na tree growing sa Alamada- Libungan watershed

(Alamada, North Cotabato/May 31, 2012) ---Nakatakdang gawin ngayong darating na June 7- 8 ang sabayang tree growing activity sa kabundukan ng Alamada, North Cotabato kasama ang iba’t- ibang grupo ng magsasaka at iba pang ahensya ng gobyerno.

Layunin ng gawaing ito na paigtingin pa ang kampanya upang sagipin ang Alamada- Libungan watershed.

Estudyante ng USM, ninakawan ng laptop

(Kabacan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Ninakaw ang isang kulay gray na laptop na may brand name na Compaq dual core T3500 na pag-mamay-ari ng isang estudyante ng USM na pansamantalang nanunuluyan sa Salcebar Apartment na nasa Corner Sunrise at Sinamar 1, Poblacion, Kabacan.

MENRO-Kabacan nananawagan na wag ilabas ang basura kapag hindi schedule ng paghahakot sa inyung lugar

(Kabacan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO sa publiko na wag ilabas ang mga basura kapag hindi schedule ng paghahakot sa inyung lugar.

Brigada Eskwela sa isang malaking pampublikong paaralan sa bayan ng Kabacan, naging matagumpay; Zero collection sa enrolment sa Kabacan Pilot Elementary School, iginiit

(Kabacan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Naging matagumpay sa kabuuan ang katatapos na Brigada Eskwela sa Kabacan Pilot Elementary School, isa sa pinakamalaking pampublikong paaralan sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Kabacan Pilot Elementary School Principal Annie Roliga, dinagsa ng maraming volunteers, mga magulang at guro ang taunang programa ng Department of Education o DepEd.

Mahigit sa 1 daang mga Buntis sa bayan ng Kabacan; sumailalaim sa “Buntis Congress”

(Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Layon ng isinagawang “Buntis Congress” na isinagawa sa bayan ng Kabacan kahapon ay upang alamin kung ang mga nagdadalang tao ay positibo sa sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome o AIDS.

PRC on Wheels darating sa USM, Kabacan, Cotabato; filing para sa mga kukuha ng licensure examinations mas pinadali

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Sa layuning mapadali ang filing ng mga kukuha ng licensure examinations sa Region 12 at ARMM, darating dito sa University of Southern Mindanao, USM, Kabacan, Cotabato sa Hunyo a-dos at a-tres ang Professional Regulation Commission o PRC Davao Regional Office.

Isang lalaki; tiklo sa Kabacan matapos mahulihan ng illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Timbog ang isang 41-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa Purok Chrislam, Kabacan, Cotabato dakong ala 1:15 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspetsado na si Ting Kasan Pundag, 41, may asawa at residente ng Zone 4, Awang, Cotabato City.

Kumakalat na Text hinggil sa Van na nagunguha ng mga bata at mga babae hindi galing sa PNP

(Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Nilinaw ni P/Supt Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP na hindi galing sa Police --North Cotabato ang kumakalat na text messages hinggil sa diumano’y may mga sasakyan na nagunguha ng bata pati mga dalaga sa probinsiya.

Contractor sa isang road concreting project sa Arakan, North Cotabato pinate-terminate ng DPWH First Engineering District

(Arakan, North Cotabato/May 31, 2012) -- Pinate-terminate na ng Department of Public Works and Highways o DPWH First Engineering District ang kontrata ng Masulot Construction Company dahil sa hindi mahusay na performance nito.
         
Ito ang sinabi ni OIC Cotabato District Engineer Mamintal.

Longest Zipline sa Southeast Asia, itatayo sa North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/May 29, 2012) ---Inaasahang itatayo na sa lalong madaling panahon ang pinakamahabang Zipline sa Southeast Asia na makikita sa Brgy. New Israel sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Ayon kay Tourism Focal Person Ralph Ryan Rafael, abot sa P5M ang inilaang pondo ng provincial government sa nasabing proyekto na ayon sa opisyal ay upang hikayatin pa ang mga turista na dayuhin ang napakagandang probinsiya ng North Cotabato.

USM Security Force; all set na sa seguridad sa pagbubukas ng klase sa USM; 4days school week, pinaghahandaan na rin

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 29, 2012) ---Pitong araw bago ang nalalapit na pasukan sa University of Southern Mindanao, tiniyak ngayon ni USM Security Services and Management Director Orlando Forro ang seguridad sa loob ng USM main campus.

Ayon sa opisyal pinulong na nito kahapon ang buong pwersa ng security forces ng USM para bigyan ng kanya-kanyang designation sa pagbubukas ng klase sa Hunyo a-4.

Kabacan, kauna-unahang maglulunsad ng Gender Welfare Assistance Center (GWAC) sa North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/May 29, 2012) ---Hinikaya’t ngayon ni Local Council of Women chairperson Yvonne Saliling ang lahat ng mga stakeholders, partikular na ang mga transport group at ilang mga sektor ng kababaihan na suportahan ang Gender Welfare Assistance Center (GWAC) sa bayan ng Kabacan.

Ayon sa opisyal, ang bayan ng Kabacan ang kauna-unahang mag-lulunsad ngayong araw alas 8:00 ng umaga ng nasabing center na isasagawa sa Kabacan Terminal Complex, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Lolo nalunod sa Kabacan River sa Magpet, North Cotabato; search and rescue nagpapatuloy

(Magpet, North Cotabato/May 28, 2012) ---Isang 65-taong gulang na lolo ang natangay ng malakas na agos ng tubig mula sa dike sa Barangay Binay, Magpet, kagabi.
         
Bandang alas-7 ng umaga, kanina, natagpuan ang bangkay ni Datu Jose Embac, sa may Barangay Alegria, President Roxas.

Mister patay; mag-ina nito sugatan sa pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan city/May 28, 2012) ---Patay on the spot ang 42-taong gulang na si Ricardo Cabilos nang barilin ng mga ‘di kilalang suspect sa may Barangay Binoligan, Kidapawan City, alas-10 ng gabi, noong Sabado.

Sugatan naman ang misis niya at ang kanilang menor-de-edad na anak na ‘di kinilala sa report.

Ayon sa mga testigo, naglalakad pauwi ng bahay nila sa Barangay Binoligan ang mag-anak pagkatapos manood ng palabas sa TV sa kanilang kapitbahay nang tambangan at paputukan ng mga ‘di kilalang lalaki.

3 katao, arestado sa Kabacan dahil sa paglabag sa R.A. 9165


(Kabacan, North Cotabato/May 28, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng tatlo katao makaraang mahulihan ng mga elemento ng Kabacan PNP ng ipinagbabawal na gamut sa isinagawang visibility patrol at kampanya kontra kriminalidad sa bahagi ng Purok Crislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato nitong umaga ng Biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina: Jerome Romo Polangcos, 43, may asawa at residente ng Poblacion, Makilala; Norodin Mokalam Jalani, 33, magsasaka at residente ng Purok Chrislam, Kabacan at Rudin Makadatu Kulvincial, 27, residente ng Pagalungan Datu Montawal.

Dagdag na suportang pinansiyal hiling ng PNP sa Kidapawan City LGU

(Kidapawan City/May 28, 2012) ---Bumaba nang higit sa 50 porsiento ang taunang suportang pinansiyal ng Kidapawan City LGU sa local na PNP, ngayong 2012.
         
Ito ang nabatid mula mismo kay Supt. Renante Cabico, ang hepe ng Kidapawan City PNP.
         
Kung noong 2011, abot sa P1.3 million ang financial support ng LGU sa Kidapawan City PNP, sa ngayon, abot na lamang ito sa P582, 000 – o mas mababa ng 55 percent.

Public- private partnership, solusyon sa problema ng isang high school sa Libungan, NCot

(Libungan, North Cotabato/May 28, 2012) ---Isinagawa kamakailan ang konsultasyon kaugnay ng lumalaking damage o pinsalang idinulot ng Libungan River sa likurang bahagi ng isang pampublikong paaralan sa bayan ng Libungan.

Bilang kinatawan ni North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan, hinikayat ni Joselito “Joel” Sacdalan ang mga residente at iba pang stakeholders ng Barangay, Nicaan sa Libungan na makipagtulungan sa pamahaalaan upang masolusyunan na ang problemang kinakaharap ng Nicaan High School, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Mindanao Tech, Wagi bilang isa sa apat na pinakamahusay na pang-kampus na magasin-pang kolehiyo sa buong bansa

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 28, 2012) ---Nasungkit ng Mindanao Tech, ang ika-apat na pwesto bilang isa sa pinakamahusay na pang-kampus na magasin at pangkolehiyo sa buong bansa sa katatapos na  72nd National Student Press Convention sa Palawan State University, Puerto Princesa City Palawan noong May 14-18, 2012.

PRC, nakatakdang dumating sa USM ngayong buwan ng Hunyo

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 28, 2012) ---Darating sa June 2 – 3 ang mga kinatawan ng Professional Regulatory Commission o PRC mobile team ditto sa University of southern Mindanao o USM para sa lahat ng mga fresh graduates na kukuha ng licensure examinations.