Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 1 daang mga Buntis sa bayan ng Kabacan; sumailalaim sa “Buntis Congress”

(Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Layon ng isinagawang “Buntis Congress” na isinagawa sa bayan ng Kabacan kahapon ay upang alamin kung ang mga nagdadalang tao ay positibo sa sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome o AIDS.

Ito ayon kay Dra. Evangeline Embalzado kungsaan abot sa isang daan at walumpu’t apat na mga buntis mula sa iba’t-ibang brgy. sa bayan ng Kabacan ang sumailalim sa nasabing pagsusuri kasama na ang kanilang mga asawang lalaki.

Ilalabas naman ang resulta sa susunod na linggo at dito na malalaman kung ang mga nagpasuri ay positibo sa nasabing sakit.

Sinabi ni Embalzado na agad naman nilang bibigyan ng gamot ang mga nasabing indibidwal buhat sa Department of Health Regional Office 12.

Nabatid na makukuha ang sakit na AIDS sa pamamagitan ng pakikipagtalik, mula sa dugo- kapag naisalin sa tao ang dugo na may HIV at mula sa ina papunta sa kaniya anak. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento