Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao, huli sa pagdadala ng di lisensiyadong baril sa bayan ng Matalam

(Kabacan, North Cotabato/ July 27, 2015) ---Arestado ang dalawa katao makaraang mahulihan ng di lisensiyadong baril sa inilatag na checkpoint sa bahagi ng Brgy. Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 12:40 kahapon ng tanghali.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga suspek na sina Boracay Salido, 21-anyos, magsasaka at residente ng Purok 7, Brgy. Kilada, Matalam at si Merna Mama Salido, 31-anyos at residente rin ng nabanggit na lugar.

Anak Pawis Representative ipinaliwanag ang dahilan ng paglikas ng mga lumad sa UCCP Haran, Davao City

(North Cotabato/ July 26, 2015) ---Ipinaliwanag ng dating Anak Pawis Representative ang dahilan ng paglikas ng mga lumad sa UCCP Haran, Davao City.

Sa panayam ng DXVL news, inihayag ni Representative Joel Maglungsod na noong Pebrero pa umano nag mass evacuation ang mga lumad mula sa Talaingod, Kapalong Davao del Norte at San Fernando, Bukidnon dahil tumitindi ang militarisasyon sa kanilang lugar partikular sa Talaingod na may mga human rights violation.

1 patay, 3 sugatan sa banggaan ng Motorsiklo at Elf Panel Van sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ July 25, 2015) ---Dead on Arrival sa ospital ang isang 21-anyos na dalaga habang sugatan naman ang tatlong iba pa makaraang masangkot sa aksidente sa National Highway, partikular sa harap ng Purok Krislam, Brgy. Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang nasawi na si Krizamae Seneo, residente ng General Santos City habang sugatan naman ang drayber ng motorsiklo na si Ryan Jay Servañez, 24-anyos, residente ng Banga sa lalawigan ng South Cotabato.

Mga Pulis at otoridad, bigong ma-rescue ang mga lumad sa Haran

(Davao City/ July 24, 2015) ---Matapos ang serye ng pulong at diyalogo na isinagawa kahapon sa pagitan ng mga support group ng lumad sa loob ng Haran ng UCCP compound na nasa likod ng Brokenshire sa Davao City, ay bigo pa ring na rescue ang mga ito sa loob ng haran.

Kahapon ng umaga ay nagkaroon ng tensiyon kungsaan pilit na binuksan ng mga dispersal pulis ang gate sa haran upang i-rescue sana ang mga lumad na nasa loob ng sinasabing Sanctuary ng mga lumad.

Nagkasakitan ng isagawa ang nasabing rescue kungsaan ilang mga pulis at mga support groups ang sugatan. 

Mayor Guzman, pinasalamatan ang bawat Kabakeños sa natamong parangal na iginawad ng NCC sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 21, 2015) ---Pinasalamatan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang bawat Kabakeños, partikular na ang mga punong barangay ng bayan ang Pamahalaang Lokal dahil sa tinamong karangalan ng Kabacan.

Ito ang inihayag ng alkalde sa panayam ng DXVL News matapos na hinirang ang bayan ng Kabacan na ika-apat na most competitive municipality in the Philippines.

Katiwala sa Palm Oil, pinaslang

(Carmen, North Cotabato/ July 21, 2015) ---Patay ang katiwala ng Palm Oil matapos na pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng Sitio, Butuan, Brgy. Kibenes, Carmen, North Cotabato kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Darat Tenorio, 25- anyos, isang caretaker sa isang Palm Oil Plantation na pag mamayari ng isang Delfin Moreno.

Ayon sa report, natagpuan na lamang ang biktima na naliligo na sa kanyang sariling dugo habang tadtad ng tama ng bala ang buong katawan.

USM Faculty Association President nagpaliwanag hinggil sa pagka- antala ng uniform ng mga USM faculty sa USM KCC campus

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2015) ---Nagpaliwanag ang USM Faculty Association President hinggil sa pagka antala ng uniform ng mga USM faculty sa USM KCC campus.

Sa panayam ng DXVL news kay USM Faculty Association President Prof. Ronald Pascual inihayag nitong hindi lang sa USM KCC ang naantala ang uniporme pati rin sa faculty ng USM campus sapagkat ang iba ay hindi rin nakapag pasukat ng uniporme noong Marso.

Grupong Kool Off ng Kidapawan City, Kampeon sa Hatawan hip-hop Dance competition for a-cause ng DXVL

(Kabacan, North Cotabato/ July 20, 2015) ---Nasungkit ng grupong Kool Off mula sa Kidapawan City ang panalo sa Hatawan Hip-hop competition para sa mga batang nangangailangan na ginanap sa USM gymnasium noong Sabado ala una ng hapon.

Nakakuha ng total score na 27.25 percent ang Kool Off dahilan upang masungkit nila ang panalo at nauwi ang 15 thousand pesos na premyo.

Pagbaril sa isang Punong Barangay sa bayan ng Mlang, Ncot; iniimbestigahan pa

(North Cotabato/ July 21, 2015) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang punong barangay sa Maguindanao sa bahagi ng Magsaysay, Poblacion Mlang, North Cotabato alas 11:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Insp. Bernard Abarquez, Deputy Chief ng Malng PNP ang biktima na si Mely Macaton Pinagayao, 44 anyos Brgy Chairperson ng Brgy. Lasangat, General SK Pendatun sa lalawigan ng Maguindanao.

Milyun-milyong pisong halaga ng “Serbisyong Totoo” infra projects nai-turnover

AMAS, Kidapawan City (July 16) - Milyun-milyong pisong halaga ng mga infrastructure projects ang naipamahagi sa dalawang araw na turnover sa 1st at 3rd Districts of Cot noong July 14-15, 2015.

Mismong si Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang nanguna sa mga ceremonial turnovers ng mga infra na tinaguriang “Serbisyong Totoo” projects na pinondohan ng Provincial Government of Cot, Trade Union Congress of the Philippines o TUCP at mula sa inisyatiba ng Congressional Office ng 3rd District of Cot.

Pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa pagtatapos ng Ramadan naging mapayapa ayon sa Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 20, 2015) ---Naging mapayapa sa kabuuan ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa pagtatapos ng Ramadan. Ito ang inihayag ni OIC PNP Chief PSI Ronnie Batuampo Cordero sa panayam ng DXVL news.

Ayon kay PSI Cordero mas kakaunti ang putok na narinig ngayong taon kumpara sa nakaraang taong pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Dagdag pa ng opisyal na nagbigay ng seguridad at martial ang Kabacan PNP , force multiplier at BPATS sa mga inikutan ng parada.