Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Milyun-milyong pisong halaga ng “Serbisyong Totoo” infra projects nai-turnover

AMAS, Kidapawan City (July 16) - Milyun-milyong pisong halaga ng mga infrastructure projects ang naipamahagi sa dalawang araw na turnover sa 1st at 3rd Districts of Cot noong July 14-15, 2015.

Mismong si Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang nanguna sa mga ceremonial turnovers ng mga infra na tinaguriang “Serbisyong Totoo” projects na pinondohan ng Provincial Government of Cot, Trade Union Congress of the Philippines o TUCP at mula sa inisyatiba ng Congressional Office ng 3rd District of Cot.

Pitong mga proyekto ang nai-turnover noong July 14 at kabilang dito ang 330-meter  road concreting project na nagkakahalaga ng P3M (PGCot-funded) sa Barangay Fort Pikit; 2-classroom building sa Malapang Elem. School sa Barangay Malapang, Aleosan na nagkakahalaga ng P1.3M (PGCot funded), 2-classroom building sa Dualing High School Annex sa Barangay Cawilihan, Aleosan na nagkakahalaga ng P1.3M (PGCot funded); multi-purpose building sa Barangay Pentil, Aleosan na nagkakahalaga ng P600,000 (PGCot funded); P2M covered court para sa Barangay Lawili, Aleosan (TUCP funded); P2M covered court sa Don Miguel Elem. School sa Barangay Tumbras, Midsayap (funded by TUCP) at P2M covered court sa Capayuran Elem. School sa Barangay Capayuran, Pigcawayan (TUCP funded).

Apat na proyekto naman ang nai-turn over noong July 15 at ito ay ang 460-meter road concreting sa Barangay Osias, Kabacan na nagkakahalaga ng P4M (inisyatiba ni Cong. Jose “Ping” Tejada ng 3rd District of Cot); P2.5M covered court sa Barangay Malamote, Kabacan (inisyatiba ni Cong. Tejada); P1.5M covered court sa barangay Lika, M’lang (inisyatiba ni Cong Tejada) at covered court sa Barangay Bialong, M’lang na nagkakahalaga ng P2M (TUCP funded).

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gov. Taliño-Mendoza na patuloy ang kanyang administrasyon sa implementasyon ng mga proyektong angkop sa pangangailangan ng mamamayan at mga proyektong hinihiling mismo ng mga barangay officials.

Abot sa P22,200,000 ang kabuuang halaga ng naturang mga infra projects na resulta ng maayos at mahusay na pagtutulungan ng Provincial Government of Cot, TUCP at 3rd District Congressional Office.

Sumaksi sa mga turnovers sina Congressman Jose “Ping” Tejada, mga Board Members na sina Loreto V. Cabaya, Jr. at Muhamad Kellie Antao ng Unang Distrito ng Cot at Board Members Ivy Dalumpines-Balitoc at Jomar Cerebo ng Ikalawang Distrito ng Cot.

Kasama rin sa aktibidad ang ilang mga Local Chief Executives at ilang mga barangay officials ng mga beneficiary barangays na buong pusong nagpasalamat sa mga proyektong ipinagkaloob sa kanila kasabay ang pangakong iingatan at gagamitin ang mga ito ng naaayon upang mapakinabangan ng husto. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento