Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kapitan ng isang brgy sa Kabacan, nahaharap sa patong-patong na kaso

(Kabacan, North Cotabato/ December 19, 2012) ---Posible umanong masuspendi sa kanyang serbisyo si Brgy. Aringay Kapitan Jerry Manalo dahil sa panghaharass nito sa ilang mga residente sa kanilang lugar.

Batay sa report ng Kabacan PNP, nagpaputok umano ang nasabing opisyal sa isang bang house sa nasabing brgy ng wala naman umanong dahilan noong alas 5:00 ng hapon noong Disyembre a-13.

7 katao kasama ang 3 mga menor de edad; huli ng Kabacan PNP dahil sa illegal gambling


(Kabacan, North Cotabato/ December 19, 2012) ---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya kontra anumang uri ng illegal gambling sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay P/Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP matapos na mahuli nila ang 7 katao kasama na dtto ang tatlong mga menor de edad na nag papataya ng last two at last three, isang game of chance na kinukuha ang resulta sa PCSO Lotto draw.

Miyembro ng 3rd Sex; huli sa buybust operation ng Kabacan PNP; 1 pang tulak droga, huli sa Carmen, North Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang kasapi ng 3rd Sex matapos na maaresto ng Kabacan PNP sa isinagawang buy bust operation ng mga ito sa USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 12:40 ng tanghali kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Sainudin Maco Salmorin, 31, single, beautician at residente ng Purok Miracle ng nabanggit na lugar.

Higit sa 12 mga business establishments sa Kabacan, huli sa paglabag sa ESWM

(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Abot sa 12 mga establisiemento sa bayan ng Kabacan ang nakatanggap ng 1st offense dahil sa paglabag sa Ordinance 2009-001 o Eco Solid Waste Management ng Municipal environment and Natural resources o MENRO.

Ayon kay MENRO designate Officer Jerry Laoagan, ang naturang bilang ay noong mga nakaraang linggo nahuli maliban pa sa napakarami ng bilang ang kanilang namultahan simulang ng ipinapatupad ang nasabing batas.

Bangkay ng babaeng naaagnas na; natagpuan sa boundary ng Kabacan at Matalam


(Matalam, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Isang bangkay ng babae na umaalingasaw at naaagnas na ang natagpuan sa Brgy. Natutungan sa bayan ng Matalam at boundary ng Kabacan kahapon.

Batay sa impormasyong nakalap ng DXVL News, di na umano ito kinuha ng Matalam PNP, dahil sa di na maklaro ang mukha ng nasabing biktima.

Matagal na pagrelease ng 4P’s ATM card, nirereklamo ng isang benepisyaryo sa Pikit, North Cotabato


(Pikit, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Mag-iisang taon na ngayon matapos na naiproseso ng isang benepisyaryo ng 4P’s program sa bayan ng Pikit ang kanyang change granted na ATM card, pero hanggang ngayon ay di pa nito natatanggap.

Dahil dito, agad na ipinarating ni Ginuong Abdullah Usman, 40 taong gulang, residente ng Brgy. Kalacakan ng nabanggit na bayan ang kanyang reklamo sa DXVL FM.

Mga regular na gumagamit ng Automated Teller Machine, Umaalma sa napakahabang linya ng mga benipesyaryo ng 4P’s; basura ngmga ito, nirereklamo na ng MENRO Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Umaalma na ngayon ang ilang mga regular na gumagamit ng Automated Teller Machine o ATM sa napakahabang linya ng mga benipesyaryo na umaantabay sa makina araw-araw.

Ito dahil sa marami pa rin sa mga beneficiaries ng 4P’s mula sa ibang lugar ay dito sa Kabacan nag-wiwithdraw.

“Liwanag sa Kabacan Contest” final judging; gagawin na mamayang gabi


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Isasagawa na mamayang gabi ang final judging sa mga establisiementong kalahok sa “Liwanag sa Kabacan contest.

Ito ayon kay Public Information Officer Ragilda “Dadang” Martin matapos ang matagumpay na unang paglilibot ng mga hurado noong Disyembre a-7.

Public hearing hinggil sa Zoning Ordinance ng Kabacan, isasagawa bukas


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Bagama’t deklaradong holiday bukas, tuloy ang isasagawang public hearing hinggil sa pag adopt ng LGU Kabacan ng Revised Comprehensive Land Use Plan.

Ito ayon kay Zoning Officer Florida Sabutan kungsaan isasagawa ito alas 9:00 ng umaga bukas sa Kabacan Municipal Gymnasium at dadaluhan ng mga iba’t-ibang stakeholders ng programa sa bayan.

Mga Korean environment experts na dumalaw sa Kidapawan City nag-abot ng tulong pinansiyal para sa mga biktima ng bagyong Pablo


(Kidapawan City/ December 18, 2012) --- Dumalaw para sa isang water resource management training sa Kidapawan City ang apat na mga opisyal ng International Urban Training Center o IUTC, isang environmental training center sa bansang South Korea.

Nanguna sa delegasyon sina Professor Kwi-Gon Kim, siya’ng director ng IUTC; at IUTC training specialist na si Yhoung Hoon Kim.
        

Higit sa 12 mga business establishments sa Kabacan, huli sa paglabag sa ESWM


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Abot sa 12 mga establisiemento sa bayan ng Kabacan ang nakatanggap ng 1st offense dahil sa paglabag sa Ordinance 2009-001 o Eco Solid Waste Management ng Municipal environment and Natural resources o MENRO.

Ayon kay MENRO designate Officer Jerry Laoagan, ang naturang bilang ay noong mga nakaraang linggo nahuli maliban pa sa napakarami ng bilang ang kanilang namultahan simulang ng ipinapatupad ang nasabing batas.

Tribung Maguindanaoan ng Kabacan, North cotabato lalahok sa Sinulog sa Cebu

(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Puspusan na ang paghahanda ngayon ng tribung Maguindanoan mula sa brgy. Malamote buhat dito sa bayan ng Kabacan bilang pambato ng North Cotabato sa sinulog Festival 2013 na gagawin sa January 21, 2013.

Ito ayon kay Administrative Officer Cecilia Facurib kungsaan suportado sila ng provincial government sa pamumuno ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na nagbigay ng budget na P1M para sa kanilang pagkain, transportasyon at accommodation habang ang LGU Kabacan naman ang nagbigay ng pondo para sa kanilang costumes at Props.

LGU Kabacan, naghahanda na para sa dadalhing tulong sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Compostela Valley


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Patuloy pa rin ngayon ang panawagan ng LGU Kabacan kasama ng pamunuan ng University of Southern Mindanao at ng Kabacan Water District sa publiko na bukas pa ring tumanggap ang nasabing tanggapan para tumanggap ng tulong donasyon para sa mga biktima ng bagyong Pablo sa compostella Valley.

Maari lamang pong dalhin sa Kabacan Municipal Hall ang inyung mga tulong in kind o in cash.

Publiko pinaalalahanan na wag magbigay ng tulong o limus sa mga kumakalat na mga Badjao sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 17, 2012) ---Nananawagan ngayon ang LGU Kabacan sa publiko na wag bigyan partikular na ng cash o pera ang mga nanghihinging badjao na ngayon ay dumarami at kumakalat sa bayan ng Kabacan.

Batay sa impormasyon dumarami ang bilang ng mga ito sa bayan partikular sa mga pangunahing kalye na nanglilimos sa mga tao sa tuwing bibili ang mga ito sa USM avenue partikular na sa mga botika.

Ilan sa mga ito ay naglilimos din sa National Highway at sa mga tapat ng establisiemento.

Isang High Explosive na IED, nakita sa Pulangi river ng isang back hoe operator; Improvised landmine narekober sa Arakan


(Kabacan, North Cotabato/ December 17, 2012) ---Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung sinu ang responsible sa pagtanim ng isang high explosive na Improvised Explosive Device o IED na nakita ng isang back hoe operator sa Pulangi river na nasa brgy. Pedtad, alas 11:45 ng umaga nitong Biyernes.

Ayon kay P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP nabatid na isang 81milimeter mortar ang nakitang pampasabog sa nabanggit na ilog. Nakita ito ni Jerry Besana, back hoe operator habang ito ay kumukuha ng gravel 50 metro ang layo mula sa pulangi river.

Seguridad sa pagsisimula ng simbang gabi, inilatag ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/ December 17, 2012) ---Ipinakakalat na ng Kabacan PNP ang kanilang mga elemento sa pagbabantay sa seguridad kaugnay sa pagsisimula pa kahapon ng tradisyunal na simbang gabi ng mga debotong Katoliko hanggang sa bisperas ng pasko sa Disyembre a-24.

Isa ito sa mga napagkasunduang security measures sa isinagawang Municipal Peace and Order Council meeting nitong nakaraang Biyernes.

Seguridad sa pagsisimula ng simbang gabi, inilatag ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/ December 17, 2012) ---Ipinakakalat na ng Kabacan PNP ang kanilang mga elemento sa pagbabantay sa seguridad kaugnay sa pagsisimula pa kahapon ng tradisyunal na simbang gabi ng mga debotong Katoliko hanggang sa bisperas ng pasko sa Disyembre a-24.

Isa ito sa mga napagkasunduang security measures sa isinagawang Municipal Peace and Order Council meeting nitong nakaraang Biyernes.