(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012)
---Puspusan na ang paghahanda ngayon ng tribung Maguindanoan mula sa brgy.
Malamote buhat dito sa bayan ng Kabacan bilang pambato ng North Cotabato sa
sinulog Festival 2013 na gagawin sa January 21, 2013.
Ito ayon kay Administrative Officer Cecilia
Facurib kungsaan suportado sila ng provincial government sa pamumuno ni
Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na nagbigay ng budget na P1M para
sa kanilang pagkain, transportasyon at accommodation habang ang LGU Kabacan
naman ang nagbigay ng pondo para sa kanilang costumes at Props.
Ang tribung Maguindanaoan ng Kabacan ay 1st place sa Kalivungan Festival 2012.
Lalahok ang mga ito sa open category entry
para sa Sinulog sa Cebu, isa sa kilalang makulay na festival sa bansa tuwing
sasapit ang buwan ng Enero.
Abot sa 245 na mga partisipante ang tutulak
sa Cebu city kasama ng mga dancers, musicians, coaches at mga chaperons.
Hangad ng tribung Maguindanaoan na maiuwi
ang kampeonato sa bayan at sa probinsiya ng North Cotabato. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento