Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Higit sa 12 mga business establishments sa Kabacan, huli sa paglabag sa ESWM


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Abot sa 12 mga establisiemento sa bayan ng Kabacan ang nakatanggap ng 1st offense dahil sa paglabag sa Ordinance 2009-001 o Eco Solid Waste Management ng Municipal environment and Natural resources o MENRO.

Ayon kay MENRO designate Officer Jerry Laoagan, ang naturang bilang ay noong mga nakaraang linggo nahuli maliban pa sa napakarami ng bilang ang kanilang namultahan simulang ng ipinapatupad ang nasabing batas.

Bukod sa paglabag sa segregation, marami pa rin ang lumalabag sa pag gamit ng plastic cellophane, Styrofoam at straw na patuloy naming minamanmanan ngayon ng MENRO.

Ang mga natukoy na establisiemento ay di makakakuha ng business permit sa susunod na taon kapag di makabayad o di macomply angisinasaad sa nasabing batas, ayon pa kay Laoagan.

Bahagi ito ng hakabang ng LGU na disiplinahin hindi lamang ang mga negosyante kundi pa tin a rin ang mga mamayan nito.

Nirereklamo  din ng MENRO ang pagkalat ng mga basura sa paligid ng Kabacan Land Bank of the Phils dahil sa kahit saan-saan lang itinatapon ng mga ilang 4P’s Beneficiaries ang kanilang mga basura na siya naming inaalmahan ngayon ng MENRO. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento