Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Matagal na pagrelease ng 4P’s ATM card, nirereklamo ng isang benepisyaryo sa Pikit, North Cotabato


(Pikit, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Mag-iisang taon na ngayon matapos na naiproseso ng isang benepisyaryo ng 4P’s program sa bayan ng Pikit ang kanyang change granted na ATM card, pero hanggang ngayon ay di pa nito natatanggap.

Dahil dito, agad na ipinarating ni Ginuong Abdullah Usman, 40 taong gulang, residente ng Brgy. Kalacakan ng nabanggit na bayan ang kanyang reklamo sa DXVL FM.

Aniya, nakapangalan umano sa kanyang Mrs. na si Rakma ang kanilang card, pero dahil sa namasukan ito sa ibang lugar di niya magagamit ang kanilang ATM card kaya, pinayuhan ito ng mga Municipal Link ng 4P’s na mag change granted.

Pero ang masakit ayon kay Usman ay mag-iisang taon na ngayon ang kanyang card pero di pa nito natatanggap maliban pa sa nag gasta siya ng abot sa P700.00 sa pag-proseso ng kanilang marriage contract at Birth certificate.

Sinabi pa nito na ilang beses na rin umanong nakatanggap ng cash ang ilan niyang mga kasamahan, pero sa kanya ni piso wala pa siyang nakuha, ito dahil sa di pa dumating ang kanyang card.

Kung lalapit siya sa kanilang lider, palaging lang siyang sinasabihan na wala pa umano dahil sa matagal pa ang proseso.

Nang idulog ng DXVL FM sa MSWDO Pikit, sinabi ni Municipal Social Welfare Officer Emilda Balios na agad nilang aaksyunan ang nasabing rekamo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Municipal Link kung bakit matagal ang proseso ng change granted ng Card ni Usman.

Kaugnay nito, aasahan umano ni Usman ang agarang aksiyon ng kinauukulan sa nasabing reklamo nito.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ay isang programa ng Pamahalaang Nasyunal sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Office na ayon sa ilan ay may mga diumano’y maanomalya sa programa. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento