Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kapitan ng isang brgy sa Kabacan, nahaharap sa patong-patong na kaso

(Kabacan, North Cotabato/ December 19, 2012) ---Posible umanong masuspendi sa kanyang serbisyo si Brgy. Aringay Kapitan Jerry Manalo dahil sa panghaharass nito sa ilang mga residente sa kanilang lugar.

Batay sa report ng Kabacan PNP, nagpaputok umano ang nasabing opisyal sa isang bang house sa nasabing brgy ng wala naman umanong dahilan noong alas 5:00 ng hapon noong Disyembre a-13.

Hinarass umano ni Manalo ang mga nasa bang house na nakilalang sina Ryan Amas, 22-anyos, back hoe operator at residente ng Aleosan, Cotabato; Robert Roda, 19, laborer, tubong Pikit, Cotabato; Rey Roda, 23, residente ng nabanggit na lugar.

Bukod sa pagpapaputok ng baril, binugbog pa umano ng opisyal ang isang Leo Cosmiano, 24 at residente ng barangay Aringay.

Inihahanda na ngayon ng mga complainant ang kasong attempted murder at administrative case laban sa Kapitan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento