Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Publiko pinaalalahanan na wag magbigay ng tulong o limus sa mga kumakalat na mga Badjao sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 17, 2012) ---Nananawagan ngayon ang LGU Kabacan sa publiko na wag bigyan partikular na ng cash o pera ang mga nanghihinging badjao na ngayon ay dumarami at kumakalat sa bayan ng Kabacan.

Batay sa impormasyon dumarami ang bilang ng mga ito sa bayan partikular sa mga pangunahing kalye na nanglilimos sa mga tao sa tuwing bibili ang mga ito sa USM avenue partikular na sa mga botika.

Ilan sa mga ito ay naglilimos din sa National Highway at sa mga tapat ng establisiemento.

Ito rin ang panawagan noon ng MSWDO Kabacan na huwag mamigay ng limos sa mga pulubi sa halip ay ibigay ito sa mga concerned government agencies o charitable organizations na kinikilala ng LGU upa siyang mamigay ng tulong sa mga ito.

Batay sa report ng DSWD, mahigpit nilang ipinapatupad ang Presidential Decree 1563 otherwise known as “Establishing an Integrated System for the Control and Eradicaiton of Mendicacy, Providing Penalties, Appropriating Funds Therefore, and for other Purposes."

Ayon sa LGU Kabacan na ang mga pulubing ito, na kalimitan ay mga bata ay, madalas maaksidente sa kalsada.

Upang mapangalagaan ang kanilang kapakanan at kaligtasan, hindi sila dapat limusan upang matigil na ang kanilang panlilimos sa kalsada at iba pang delikadong lugar.
Karamihan sa mga pulubing ito aniya ay mga Badjao na nakatira sa ilang mga pangunahing kalye ng Poblacion ng Kabacan at palabuy-laboy, kung saan ang ilang ina ay dinadala ang kanilang mga sanggol sa panlilimos.
Kalimitan silang tumitigil sa mga pangunahing kalsada, simbahan at paaralan.
Una na ring itinaboy ang mga ito sakay sa LGU dumptruck at dinala sa Cotabato city, pauwi sa kanilang lugar pero bumabalik pa rin ang mga ito hindi lamang dito sa Kabacan pero maging sa ibang mga lugar sa North Cotabato. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento