Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Public hearing hinggil sa Zoning Ordinance ng Kabacan, isasagawa bukas


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Bagama’t deklaradong holiday bukas, tuloy ang isasagawang public hearing hinggil sa pag adopt ng LGU Kabacan ng Revised Comprehensive Land Use Plan.

Ito ayon kay Zoning Officer Florida Sabutan kungsaan isasagawa ito alas 9:00 ng umaga bukas sa Kabacan Municipal Gymnasium at dadaluhan ng mga iba’t-ibang stakeholders ng programa sa bayan.

Aminado ang opisyal na gahol na sa oras pero nais pa rin nilang maihabol ang nasabing ordinansa bago matapos ang taon para maka pagbalangkas na ang pamunuan ng Kabacan Municipal Planning and Development Office sa Sangguniang bayan ang Zoning Ordinance ng Kabacan.

Ito para makabuo na ng bagong Comprehensive Land Use Planning ang bayan.

Labin dalawang proseso ang dadaanan ng babalangkasing panukala, ayon pa sa opisyal.

Kilalanin dito ang mga stake holders ng zoning ordinance at aalamin ang tugon ng mga mamamayan sa isasagawang public hearing, ayon pa kay Sabutan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento