(Kabacan, North Cotabato/ December 17, 2012)
---Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung sinu ang responsible sa pagtanim ng
isang high explosive na Improvised Explosive Device o IED na nakita ng isang
back hoe operator sa Pulangi river na nasa brgy. Pedtad, alas 11:45 ng umaga
nitong Biyernes.
Ayon kay P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan
PNP nabatid na isang 81milimeter mortar ang nakitang pampasabog sa nabanggit na
ilog. Nakita ito ni Jerry Besana, back hoe operator habang ito ay kumukuha ng
gravel 50 metro ang layo mula sa pulangi river.
Sa tulong ng Explosive ordnance team agad
namang nadispose ang nasabing bomba alas 3:50 ng hapon nitong Biyernes.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng
mga otoridad kung may kaugnayan ang nasabing pampasabog sa mga terroristic
attack o pananabotahe sa bahaging ito ng North Cotabato ng mga masasamang
elemento.
Naka alerto naman ngayon ang Kabacan PNP
partikular na ngayong papalapit ang kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.
Samanatala, sa bayan ng
Arakan ---ILANG metro lamang mula sa sementadong kalsada sa Sitio Saje,
Barangay Malibatuan, Arakan, North Cotabato inilagay ng di pa nakilalang mga
suspect ang improvised landmine na natagpuan ng isang magsasaka alas siyete ng
umaga kamakalawa.
Ayon
kay Arakan Chief of Police Sr. Inspector Rolly Oranza, binubuo ng PVC pipe,
blasting cap, firing device na nakalagay sa isang malaking lata at kinabitan ng
duplex wire ang naturang landmine na may bigat na 8 kilo.
Inilagay
ang landmine sa tabi ng kalsada malapit sa tulay ng Sitio Naje at posibleng
target ng naglagay nito ay ang tropa ng 10th Special Force ng
Phil. Army na nakabase sa Arakan, ayon pa kay Sr. Insp. Oranza.
May
kakayahan raw puminsala ng malalaking sasakyan ang natagpuang landmine at
pumatay ng sinumang tamaan kung sumabog, sinabi ni Oranza.
Nasa
kustodiya na ngayon ng army ang naturang pampasabog para sa karagdagang imbestigasyon.
Napag-alamang
may on-going clearing operation ang military sa Barangay Malibatuan laban sa
mga miyembro ng New Peoples’ Army at may kaugnayan raw ito sa operasyon ng army
sa kalapit bayan ng Magpet.
Matatandaang
noong July 21, 2012 ay narekober rin sa isang sitio ng Barangay Malibatuan,
Arakan, ang kahalintulad na improvised landmine na inilagay umano ng armadong
grupo at target ang army.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento