Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Miyembro ng 3rd Sex; huli sa buybust operation ng Kabacan PNP; 1 pang tulak droga, huli sa Carmen, North Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang kasapi ng 3rd Sex matapos na maaresto ng Kabacan PNP sa isinagawang buy bust operation ng mga ito sa USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 12:40 ng tanghali kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Sainudin Maco Salmorin, 31, single, beautician at residente ng Purok Miracle ng nabanggit na lugar.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang isang piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang suspek habang inihahanda ang kasong kakaharapin nitong paglabag sa RA 9165 o Dangerous drugs act of 2002.

Samantala sa iba pang mga balita, arestado ang isang tulak droga sa Sitio Tawan-tawan, Brgy. Poblacion, Carmen, North Cotabato alas 4:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ni PC/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP ang suspek na si Akmad Simpal alias Madz/soy, nasa tamang edad at resident eng Purok 13, Poblacion ng nabanggit na lugar.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek sina P02 Richard Uyasan at P01 Mark John Penaso na nagsagawa ng buybust operation.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nanlaban umano ang suspek ng siya ay arestuhin ng mga otoridad at binunot nito ang baril ni P01 Penaso habang inaagaw nito ang nasabing baril ay tinamaan ang suspek sa kanyang kaliwang daliri.

Nang mapahupa si Simpal, doon na at narekober mula sa kanyang posisyon ang 8 sachet ng suspected shabu, 1 unit ng kalibre 38 na baril, 4 na piraso ng live ammos at ang P500 na marked money.

Ang mga narekober na ebedensiya ay isinailalim na sa crime laboratory habang inihahanda naman ngmga otoridad ang kasong kakaharapin nito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento