(Kidapawan City/ December
18, 2012) --- Dumalaw para sa isang water resource management training sa
Kidapawan City ang apat na mga opisyal ng International Urban Training Center o
IUTC, isang environmental training center sa bansang South Korea.
Nanguna sa delegasyon
sina Professor Kwi-Gon Kim, siya’ng director ng IUTC; at IUTC training
specialist na si Yhoung Hoon Kim.
Sinalubong sila ng mga
alumni ng IUTC, sa pangunguna nina Kidapawan City vice-mayor Joseph Evangelista
at Stella Mares Gonzales, ang general manager ng Metro Kidapawan Water District
o MKWD.
Sa simpleng programa
kagabi na ginawa sa conference room ng MKWD, namahagi ng tulong pinansiyal para
sa mga biktima ng bagyong Pablo ang taga-IUTC.
Sa kanyang talumpati,
sinabi ni Prof. Kwi-Gon na nakiki-dalamhati sila sa mga pighati’ng naranasan ng
mga Pablo victims at survivors.
Dumating sa lungsod noon
pang December 15 ang mga IUTC experts para sa isang training sa mga indigenous
community patungkol sa water resource restoration and management.
Kagabi, binigyan ng
welcome party ng mga IUTC alumni sina Prof. Kwi-Gon at ang kanyang delegasyon. Maliban
kina Evangelista at Gonzales, alumni o graduate din ng mga IUTC training
courses sina MKWD assistant general manager Sandy Alqueza, Engr. Engr. Daquipa,
Engr. Karl Tanaid, Engr. Elmer Limpot, Mr. Tayabas, at Malu Cadelina Manar ng
Notre Dame Broadcasting Corporation.
Si Manar, research
specialist at host ng radio documentary, BIDA Specials, ay nagtapos ng IUTC
course noong Agosto ng nakaraang taon sa Gangwon Province sa Republic of
Korea. (MCM)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento