(Kabacan,
North Cotabato/ December 18, 2012) ---Abot sa 12 mga establisiemento sa bayan
ng Kabacan ang nakatanggap ng 1st offense dahil sa paglabag sa
Ordinance 2009-001 o Eco Solid Waste Management ng Municipal environment and
Natural resources o MENRO.
Ayon kay
MENRO designate Officer Jerry Laoagan, ang naturang bilang ay noong mga
nakaraang linggo nahuli maliban pa sa napakarami ng bilang ang kanilang
namultahan simulang ng ipinapatupad ang nasabing batas.
Bukod sa
paglabag sa segregation, marami pa rin ang lumalabag sa pag gamit ng plastic
cellophane, Styrofoam at straw na patuloy naming minamanmanan ngayon ng MENRO.
Ang mga
natukoy na establisiemento ay di makakakuha ng business permit sa susunod na
taon kapag di makabayad o di macomply angisinasaad sa nasabing batas, ayon pa
kay Laoagan.
Bahagi ito
ng hakabang ng LGU na disiplinahin hindi lamang ang mga negosyante kundi pa tin
a rin ang mga mamayan nito.
Nirereklamo din ng MENRO ang pagkalat ng mga basura sa
paligid ng Kabacan Land Bank of the Phils dahil sa kahit saan-saan lang
itinatapon ng mga ilang 4P’s Beneficiaries ang kanilang mga basura na siya
naming inaalmahan ngayon ng MENRO. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento