(Kabacan, North Cotabato/ December 17, 2012)
---Ipinakakalat na ng Kabacan PNP ang kanilang mga elemento sa pagbabantay sa
seguridad kaugnay sa pagsisimula pa kahapon ng tradisyunal na simbang gabi ng
mga debotong Katoliko hanggang sa bisperas ng pasko sa Disyembre a-24.
Isa ito sa mga napagkasunduang security
measures sa isinagawang Municipal Peace and Order Council meeting nitong
nakaraang Biyernes.
Bukod sa simbahan na nasa Bonifacio st.,
Poblacion ng bayang ito, binabantayan din ng mga vital installation ng bayan.
Ito ang nabatid mula kay PC/Insp.
Jubernadine Panes, ang Deputy chief of Ploce ng Kabacan PNP kungsaan
ipinakakalat ang mga pulis sa mga pangunahing lansangan at bisinidad ng
simbahan na dadagsa ang mga deboto.
Una na ring nagtaas ng alerto ang pulisya
ngayong papalapit ang kapaskuhan dahil na rin sa pagtaas ng insedente ng
nakawan sa bayan.
Sa bayan ng Makialala, muli na namang
naglipana ang mga kawatan, kabilang ngayon sa kanilang pinupunterya ay ang mga
motorsiklo.
Naireport din nitong nakaraang linggo sa
brgy. Malasila ng Makilala na may isang residente ang ninakawan ng P1.7M na
patuloy pa ngayong iniimbestigahan.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento