(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014)
---Isinalang na sa unang pagbasa ng Sangguniang Bayan ng Kabacan ang Bagong
Kabacan Hymn na pinamagatang “Kabacan Kong Mahal” sa regular na session ng SB
kahapon.
Mismong si USM Band Master Jun Eramis ang
nag-presinta nito sa konseho at itinugtog ang mga liriko nito para masiyasat
ang bawat kataga ng naturang kanta.
Pero hindi pa ito naaprubahan sa kabila ng
aawitin na ng LGU Choir sa 67th Founding Anniversary Program ang naturang
hymn.
Ayon kasi kay Councilor Rhosman Mamaluba
dapat ay dumaan muna sa masusing pagsisiyasat at pag-aaralan pa nila ng mabuti
ang Kabacan Hymn bago ito isasapinal at maipasang opisyal ng hymn ng Kabacan
ang “Kabacan Kong Mahal”.
Ang orihinal na komposisyon nito ay ginawa
ni Prof. Robert Pasion, noon pa umanong taong 2006 ay may naipasa ng Kabacan
Hym, pero hindi ito naipatupad na awitin sa mga programa sa Kabacan at mga
Paaralan, ayon kay Councilor Herlo Guzman Sr. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento