Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Health Code ng RHU Kabacan, binuo matapos ang kumplikasyon sa pagkamatay ni DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) --- May binabalangkas ng Health Code ang Sangguniang Bayan ng Kabacan upang mapaayos ang serbisyong pangkalusugan ng Rural Health Unit ng Kabacan.

Ito ang naging reaksiyon ni Councilor Jonathan Tabara matapos na mapuna ni ABC Pres. At SB member Raymundo Gracia ang diumano’y kawalan ng aksiyon ng kanilang konseho sa sulat na ipinadala ng pamilya Gelacio sa pag-kamatay ni DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio.

Ito dahil sa mahigit sa isang buwan na wala pa umanong resulta na inilabas ang konseho hinggil dito.
Sinabi ni Tabara na ang nais lamang ng pamilya Gelacio sa kanilang sulat reklamo na himukin ang SB na mag-imbestiga in aide of legislation at wala na silang planung magsampa ng kaso.

Ayon sa mambabatas, nagawa naman ito ng Sangguniang Bayan dahil sa nagsagawa na sila ng imbestigasyon sa pamamagitan ng meeting of the whole ng nakaraan.

Pero kung ang pagpapataw ng sanction dito ay hindi na umano saklaw ng legislative body, dagdag pa ni Tabara.

Dagdag at kaugnay na balita, hindi lamang ang Rural Health Unit ng Kabacan ang babalikan sa nangyari kay DXVL Newscaster at DXVL Broadcast Officer Irah Palencia Gelacio, kundi pati na rin ang USM Hospital at ilan pang mga pagamutan na tumanggap sa pagpapagamot sa mamamahayag, ito ang pahayag naman ni Councilor George Manuel, ang may hawak ng committee on Health sa SB.

Aniya may prosesong sinusunod sa Health Ethics kaugnay sa nangyari kay Irah, para masundan ng maige ang kaso nito.


Sa ngayon, napag-alaman na may nag-iimbestiga na sa lebel ng munisipyo at ito ang IPHO North Cotabato, dahil dito aminado naman si Dr. Sofronio Edu Jr., na mataas ang Maternity Death sa Kabacan dahil sa nasabing pangyayari. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento