(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2014) ---Kulungan
ang bagsak ng isang dating kasapi ng Special Civilian Armed Forces Geographical
Unit Active Auxiliary o SCAA makaraang mahulihan ng baril sa Brgy. Osias, Kabacan,
Cotabato alas 11:00 ng umaga nitong Sabado.
Kinilala ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe
ng Kabacan PNP ang suspek na si Crisito Neri, 30-anyos, may asawa at residente
ng Purok Talisay, Brgy. Malinan, Kidapawan City.
Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang isnag
unit ng kalibre .38 na revolver pistol at dalawang ammos.
Liban dito nakuha mula kay Neri ang apat na
piraso ng 7.62 caliber.
Sa ngayon, inihahanda na ang kasong
kakaharapin ng suspek na paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento