Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Eid’l Fit’r, ipinagdiriwang na ng mga mananampalatayang Muslim ngayong araw

Photo by: MILGO Jasmin Sulatn Musaid
Matalam, North Cotabato 
(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2014) ---Bagama’t bukas pa July 29, ideneklarang isang regular non-working holiday sa buong bansa, kaugnay sa pagdiriwang ng Eid’l Fit’r, ideneklara namang pyesta opisyal ngayong araw sa lahat ng mga lalawigang sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM kabilang na ang Cotabato City.

Sinabi ni Ustadz Jaafar Ali na matapos ang moon sighting kagabi, ay opisyal na idineklara ng Darul Ifta ang Eid’l Fit’r ngayong araw.

Kaugnay nito, idineklara kasing special non-working holiday ngayon sa ARMM at Cotabato city para bigyan ng pagkakataong maipagdiwang ng mga Muslim ang Eid’l Fit’r o ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan.

Samantala Kagabi ay maingay at masayang sinalubong ng mga Kapatid naman nating Muslim dito sa bayan ng Kabacan at iba pang lugar kagaya sa Cotabato city ang okasyon sa pamamagitan ng Takbir o pagbubunyi at pagbibigay papuri kay Allah.

Isinagawa naman ang sabayang pagdarasal o ang congregational prayer sa iba’t ibang mga lugar sa Kabacan kabilang na sa ARMM at mga Mosque.

Bagaman at umuulan, karamihan pa rin sa mga Muslim ang dumagsa sa mga lugar sambahan bago magsagawa ng kanduli o handaan sa kani-kanilang mga tahanan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento