Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Asik-asik Falls, muli ng binuksan sa publiko matapos ang nangyaring “outbreak”

(Alamada, North Cotabato/ July 28, 2014) ---Muli ng binuksan sa publiko ang pamosong Asik-asik Falls sa Alamada, North Cotabato makaraang isara ito dahil sa nangyaring “outbreak” sa lugar.


Ito ang eksklusibong impormasyon na ipinarating sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Alamada Municipal Administrator Ruben Cadava.

Aniya, nito pa umanong buwan ng Hulyo muli binuksan sa mga turista ang pinakatanyag na tourist destination sa probinsiya makaraang ideklara na “outbreak free” an ang lugar.

Matatandaan na inihayag ni Municipal Information Officer Melissa Bagsican na pansamantala nilang ipinasara noong buwan ng Mayo ang Asik-asik Falls matapos na pumutok ang outbreak na nag-iwan ng 11 katao ang kumpirmadong namatay habang mahigit sa 600 ang naapektuhan ng Cholera Outbreak buhat sa tatlong mga barangay ng Alamada, North Cotabato.

Samantala, hindi naman naapektuhan ang turismo sa lugar ito makaraang marami pa rin ang pumupunta sa asik-asik falls lalo na kapag weekend.

Mas pinaganda na rin ngayon ang eco-tourism sa lugar, ang kalsada at ang hagdan papunta mismo sa Falls pati na rin ang mga kubong rentals nito,  dagdag pa ni Cadava. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento