(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 31, 2014)
--- Nakatakdang gagawin ang State of the University Address ni University of Southern Mindanao USM Pres. Dr.
Francisco Gil Garcia sa Agosto a-5 araw ng Martes sa susunod na linggo sa USM
Ground ala 7:00 ng umaga.
Sa isang kalatas na ipinalabas sa Facebook
ni Executive Assistant to the Pres. William dela Torre na pirmado ni Vice
President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang na suspendido ang klase sa
umaga para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante, guro at lahat ng mga
kawani ng USM na makadalo sa nasabing programa.
Dito ihahayag ng Pangulo ang mga nagawa nito
at ang direksiyon ng Pamantasan sa kanyang pamumuno.
Mismong ang pamunuan ng HRMO ng USM at ang
Local Student Government ang mangunguna sa paglilista ng attendance ng bawat
kawani at estudyante ng USM. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento