Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Konsehal ng UNA, dedo sa Toxic goiter

(North Cotabato/ July 29, 2014) --- Kamatayan ang sumalubong sa isang kasapi ng Municipal Councilor sa bayan ng Tampakan, South Cotabato makaraang tuluyan na itong iginupo ng kanyang sakit na toxic goiter.

Sinabi ni Police Senior Inspector Sherwin Maglana, hepe ng Tampakan PNP na binawian ng buhay si Councilor Luisito Cariaga Reyna sa edad na 55-anyos noong nakaraang Biyernes dahil sa iniindang karamdaman.

Komplikasyon diumano sa sakit na toxic goiter ang ikinamatay ni Reyna.

Siya ay residente ng Barangay Kipalbig, Tampakan at nagsilbi sa loob ng 15-taon bilang barangay kapitan ng naturang lugar bago pa naging municipal councilor sa loob ng walong taon.

Naging presidente ng Association of Barangay Chairman (ABC) sa loob ng anim na taon at nanilbihan bilang barangay kagawad ng tatlong taon.

Si Reyna ay pangalawa na na municipal councilor na namatay sa bayan ng Tampakan.

Matatandaan na ilang buwan pa lamang ang nakakalipas mula ng pumanaw rin si dating municipal councilor Eduardo Pingoy na hanggang sa ngayon wala pang itinalaga na kapalit sa iniwan na puwesto.

Sina Reyna at Pingoy ay kabilang sa partidong United Nationalist Alliance (UNA). Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento