Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mindanao wide Skills sa IT at Tourism sector competition, isasagawa sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 31, 2014) ---Isasagawa naman dito sa University of Southern Mindanao ang Provincial at Mindanao wide Skills Competition na pangungunahan ng College of Human Ecology and Food Sciences o CHEFS at ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Cotabato sa August 29, 2014.

Ayon kay TESDA Provincial Director Engr. Florante Herrera na kabilang sa mga patimpalak na ito ay ang IT at Tourism sector.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng ika-isang daang taong anibersaryo ng lalawigan ng Cotabato.

Kaugnay nito todo naman ang paghahanda ng kolehiyo sa pamumuno ni Dean Dr. Urduja Nacar hinggil sa nasabing aktibidad. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento