(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2014) ---Samu’t
saring reaksiyon ngayon ang inani ni Pangulong Aquino sa katatapos ng kanyang
ika-limang State of the Nation Address o SONA kahapon ng hapon.
Ayon sa ilang mga residente ng bayan, hindi
umano nailahad ni Pnoy ang totoong kalagayan ng Bansa.
Ang iba anaman ay hanga sa programang tuwid
na daan ng Pangulo.
Samantala ito rin ang puna ng ilangmga
netizens na nag-abang sa ulat ng Bayan ng Pangulo.
Batay sa ilang political analyst, kung
pagbabasehan ang naging SONA ng Pangulo kahapon umabot ang marka nito sa siyam,
ito dahil na imbes atake sa nakaraang administrasyon ay mga nagawa nito ang
kanyang ibinida.
Sinimulan kasi ng Pangulo ang kanyang
pag-uulat sa mga pagbabago sa ekonomiya sa tulong ng TESDA.
Sa ibang dako, muling nagpasaring si
Pangulong Noynoy Aquino at ikinompara ang mga nagawa ng kanyang termino kompara
sa nagdaang administrasyon.
Sa nagpapatuloy na talumpati ng pangulo,
ibinida nito na sa kasalukuyan, nag-uunahan ang mga kompanya para magtayo ng
imprastaktura sa ating bansa.
Samantalang dati aniya ay tayo pa raw ang
nag-aalok para magkaroon ng investors sa Pilipinas.
Sikreto aniya rito ang mabuting pamamahala
sa bansa. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento