Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Revised CLUP at Zoning Planing ng Kabacan, hindi pasado sa isang konsehal

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Hindi naman kumbinsido si Councilor Jonathan Tabara sa ipinasang Revised Comprehensive Land Use Plan at Zoning Ordinance na naisalang kahapon sa second reading ng Sangguniang Bayan ng Kabacan.

Aniya, hindi umano pinag-isipan ng maayos ang pagkakagawa ng CLUP ng Kabacan bagay namang kinontra ito ng konsehal ang pagpasa sa ikalawang pagbasa at dapat aniya ay isasangguni pa ito sa Committee on Land Planning.

Kinatigan rin ni Kagawad Rhosman Mamaluba ang pahayag ni Tabara na sumasang-ayon ito na dapat ay bubusiin muna ng konseho ang naturang aklat bago isalang sa ikalawang pagbasa. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento