(North Cotabati/ August 8, 2015) ---Bumagsak
sa kamay ng mga otoridad ang suspek na responsable sa pagpatay sa dating PNP
Personnel sa Tacurong City matapos maaresto sa Sitio Tigmamanok, Brgy. Kiyaab,
Antipas, North Cotabato, ayon sa report kahapon.
Kinilala ng Antipas PNP ang suspek na si
Jackson Peñascosa Pagayon, 33-anyos, single at residente ng Bual, Tulunan,
North Cotabato.
Ang suspek ay inakusang responsable sa pagpatay
kay PO1 Dennis Carritativo ng RPSB 12.