Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek sa pagpaslang sa dating PNP Personnel, arestado ng mga kapulisan

(North Cotabati/ August 8, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang suspek na responsable sa pagpatay sa dating PNP Personnel sa Tacurong City matapos maaresto sa Sitio Tigmamanok, Brgy. Kiyaab, Antipas, North Cotabato, ayon sa report kahapon.

Kinilala ng Antipas PNP ang suspek na si Jackson Peñascosa Pagayon, 33-anyos, single at residente ng Bual, Tulunan, North Cotabato.

Ang suspek ay inakusang responsable sa pagpatay kay PO1 Dennis Carritativo ng RPSB 12.

Nangyari ang insidente noong 2012 sa Brgy. Raja Muda sa Tacurong City kungsaan pinagsasaksak ni Pagayon si Carritivo hanggang sa mapatay.

Napag-alaman pa na ang suspek ay kablang sa top wanted list  ng Tulunan MPS at Sultan Kudarat Provincial Police Office.

Nasakote ang suspek sa bisa ng warrant of Arrest na isinilbi ni Hon. Judge Rasad Balindong ng RTC Branch 20, Tacurong City na may criminal case # 3497 para sa kaosng murder na kinakaharap nito.

Maliban pa ito sa crime na attempted homicide na may petsang March 13, 2013 na inisyu naman ni Hon. Judge Gil Dela Banda ng 1st Municipal Circuit Trial Court, Makilala at may piyansang P12,000.00.

Ang suspek ay matagal ng minamanmanan ng mga pulisya na nagtatago sa Brgy. Kiyaab sa bayan ng Antipas.


Kaya ng maisilbi ang nasabing mga warrant di na nakapalag ang suspek matapos na matimbog alas 7:50 ng umaga nitong Huwebes. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento