Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan, tumanggap ng iba’t-ibang mga proyekto mul sa DA 12

(Kabacan, North Cotabato/ August 7, 2015) ---Ibat-ibang mga proyekto ang tinanggap ng Bayan ng Kabacan mula sa Department of Agriculture gaya ng Infrastructure, Livelihood at Farm Machinery. 

Ang mga nasabing proyekto ay personal na tinanggap ni Hon. Mayor Herlo P. Guzman, Jr sa tanggapan ng Department of Agriculture, Regional Field Office XII sa Koronadal City noong nakalipas na lingo.

Sa mga iprenesentang Certificates, umabot sa humigit kumulang 24, 692, 000.00 ng mga proyekto ang nakatakdang maisasakatuparan para sa taong 2015. 

Ang mga proyektong ito ay ang One (1) Unit 4WD Tractor (88-95hp) for Corn, Agricultural Productivity Support Project sa ilalim ng Infrastructure and livelihood Project ng 2015 PAMANA Project Implementation at Concreting of Aringay-Bangilan Farm to Market Road ng I-BUILD sub-project sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP).


Ang mga nasabing proyekto ay makatutulong upang mas lalo pang lalago ang produksyon ng palay, mais at iba pang produktong pang-agrikultura sa ibat-ibang barangays sa bayan ng Kabacan. 

Ayon naman kay Mayor Herlo P. Guzman, Jr., ang mga nasabing proyekto ay inaasahan ding makatutulong sa pagpapataas ng Agricultural Productivity o income ng mga tao upang makamit ang tunay na kapayapaan sa Bayan ng Kabacan. (Sarrah Jane C. Guerrero, Office of the Municipal Mayor, Kabacan, Cotabato)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento