Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Electrical fault, isa sa mga anggulong sinusundan ng Matalam BFP sa nangyaring sunog sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ January 3, 2014) ---Isa ang electrical related fault sa mga anggulong pinagmulan ng malaking sunog sa isang commercial at residential house sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Ito ang napag-alaman mula kay Fire Insp. Marlean Nabor ng Bureau of Fire Protection Matalam.

21-anyos na magsasaka, biktima ng panibagong pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 3, 2013) ---Sugatan ang isang 21-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa National Highway ng Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 2:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Ali Makalnas, binata at residente ng Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.

1 menor de edad biktima ng firecracker sa pagsalubong ng bagong taon sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2014) ---Sugatan ang isang 10 taong gulang na bata matapos na maputukan ng Piccolo habang kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon kahapon.

Ayon kay Health Emergency and Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon ito na ang pngatlong kaso ng fire cracker related incidents ang naitala ilang araw bago ang pasko at ang pagsalubong ng bagong taon sa bayan ng Kabacan.

Ginang Patay sa Pamamaril sa Maguindanao

(Maguindanao/ January 2, 2013) ---Patay sa mismong unang araw ng taon ang ginang na pinaniniwalaang sangkot sa illegal na gawain makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao alas 3:40 ng hapon kahapon.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Shangrila Seneres Go, residente ng Poblacion 2, Midsayap, North Cotabato.

6 katao sugatan sa pagsabog ng granada sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 2, 2014) ---Anim katao ang iniulat na nasugatan makaraang sumambulat ang malakas na pagsabog ng granada sa may bisinidad ng Sayre National Highway, Barangay Ugalingan, Carmen, North Cotabato mag-aalas 8:00 ng gabi nitong Martes, bisperas sa pagsalubong ng bagong taon.

Kinilala ng Carmen, PNP ang mga sugatan na sina Carmelita tropa, 55, Sabilita Tropa, 14, Marlyn Montaire, 14; Joana Miran, 14 at John Lloyd Miran, 5 taong gulang lahat residente ng nabanggit na lugar.

Pagsalubong ng bagong taon sa Kabacan, generally peaceful ---PNP

(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2014) ---Naging mapayapa at maayos sa pangkalahatan ang pagsalubong ng bagong taon sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP dahil walang naitalang malalaking insedente sa kanilang area of responsibility mula ng gabi ng Disyembre a-31 hanggang kahapon.

P5M na ari-arian, naabu sa malaking sunog sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ January 2, 2014) ---Naging malungkot ang sana’y masayang pagsalubong ng bagong taon ng mga nabiktima ng malaking sunog sa Matalam, North Cotabato alas 3:25 ng madaling araw kahapon.

Tinatayang mahigit sa limang milyong piso ang natupok na mga ari-arian sa malaking sunog sa Graciano Lopez Jaena St., Poblacion ng nasabing bayan.