Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P5M na ari-arian, naabu sa malaking sunog sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ January 2, 2014) ---Naging malungkot ang sana’y masayang pagsalubong ng bagong taon ng mga nabiktima ng malaking sunog sa Matalam, North Cotabato alas 3:25 ng madaling araw kahapon.

Tinatayang mahigit sa limang milyong piso ang natupok na mga ari-arian sa malaking sunog sa Graciano Lopez Jaena St., Poblacion ng nasabing bayan.


Ayon kay Fire Insp. Marleap Nabor ng Bureau of fire Protection Matalam dalawang mga pamamahay ang mabilis na nilamon ng apoy kasama na dito ang isa pa na di naman natuluyang nasunog matapos na maagapan ng mga kagawad ng pamatay apoy.

Ang nasabing mga residential houses ay pag-mamay ari nina Liza Delgado Saturre, Emily Alejandro at Rommel Buena.

Wala namang may naiulat na nasaktan sa nasabing sunog at alas 4:50 na ng madaling araw ng maideklarang fire out ang naturang sunog.

Patuloy ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng Bureau of Fire Matalam upang alamin ang sanhi ng sunog. Rhoderick Beñez







0 comments:

Mag-post ng isang Komento