(Matalam, North Cotabato/ January 3, 2014)
---Isa ang electrical related fault sa mga anggulong pinagmulan ng malaking
sunog sa isang commercial at residential house sa bayan ng Matalam, North
Cotabato.
Ito ang napag-alaman mula kay Fire Insp. Marlean
Nabor ng Bureau of Fire Protection Matalam.
Aniya, mabilis umanong kumalat ang apoy
dahil sa mga paninda na laman ng bodega at ang ilan sa mga bahay ay gawa sa
light materials.
Tinatayang mahigit pa sa P5 Milyun ang
danyos sa naturang sunog ilang oras matapos ang pagsalubong ngbagong taon.
Kaugnay nito, pinalalahanan ngayon ng
opisyal ang publiko hinggil sa One Minute Fire Prevention.
Ayon kay Nabor, dapat na i-unplug ang lahat
ng mga appliances bago matulog at umalis ng bahay at opisina.
Bukod dito, patayin din ang mga naka sinding
kandila at ang mga gamit sa pagluluto tulad ng stove at kapag gumagamit ng uling tiyaking nabuhusan ng tubig matapos gamitin para di na umapoy. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento