Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

6 katao sugatan sa pagsabog ng granada sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 2, 2014) ---Anim katao ang iniulat na nasugatan makaraang sumambulat ang malakas na pagsabog ng granada sa may bisinidad ng Sayre National Highway, Barangay Ugalingan, Carmen, North Cotabato mag-aalas 8:00 ng gabi nitong Martes, bisperas sa pagsalubong ng bagong taon.

Kinilala ng Carmen, PNP ang mga sugatan na sina Carmelita tropa, 55, Sabilita Tropa, 14, Marlyn Montaire, 14; Joana Miran, 14 at John Lloyd Miran, 5 taong gulang lahat residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report, naglalakad umano ang mga biktima papunta sa simbahan para sa dumalo sa isang misa at pagdating sa nasabing lugar ay hinagisan ang mga ito ng granada.

Nagtamo ng sugat ang mga biktima maliban kay Narciso Tropa, retiradong Cafgu at mister ni Carmelita.

Agad na isinugod ang mga ito sa Kabacan Medical Specialist para mabigyan ng agarang medical na atensiyon pero makalipas ang ilang sandali ay inilipat sila sa Cotabato Provincial Hospital.

Sa ginawang post blast axamination ng EOD team, narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ang M67 High Explosive na granada.

Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Carmen PNP para alamin ang motibo ng insidente. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento