(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2014)
---Sugatan ang isang 10 taong gulang na bata matapos na maputukan ng Piccolo
habang kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon kahapon.
Ayon kay Health Emergency and Disease
Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon ito na ang pngatlong kaso ng fire
cracker related incidents ang naitala ilang araw bago ang pasko at ang
pagsalubong ng bagong taon sa bayan ng Kabacan.
Ang biktima ay residente ng cotabato city at
nag diwang ng bagong taon sa kanyang kamag-anak dito sa Purok Krislam.
Kaugnay nito, kung ihahambing noong 2012
nakapag tala ang RHU Kabacan ng Zero casualty sa paputok pero noong nakaraang
taon abot sa tatlo ang biktima nito kasama na ang isang bata na nasugatan din
sa daliri sa Katidtuan at Bonifacio St, dahil sa piccolo.
Samantala sa Arakan, North Cotabato naman
--- naging mapayapa sa kabuuan ang pagsalubong ng bagong taon doon maliban na
lamang sa isang biktima ng paputok.
Kinilala ni PSI Rolly Oranza ang biktima na
si Christopher Sagun, menor de edad, resident eng Sitio Dilion, Brgy.
Poblacion, Arakan.
Dalawang mga daliri nito sa kanang kamay ang
nasugatan.
Bukod dito, wala ring biktima ng stray
bullet ang naireport sa himpilan ng Arakan PNP, ayon kay Oranza. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento