(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2014) ---Naging mapayapa at maayos sa pangkalahatan ang pagsalubong ng bagong taon sa bayan ng Kabacan.
Ito ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP dahil walang naitalang malalaking insedente sa kanilang area of responsibility mula ng gabi ng Disyembre a-31 hanggang kahapon.
Pinasalamatan rin ng opisyal ang kooperasyon ng mamamayan, pamahalaang lokal ng bayan, kasama na dito ang hukbong sandatahang lakas ng Pilipinas, mga kagawad ng media, tri people ng Kabacan at higit sa lahat ang poong may kapal.
Umaasa si Major Maribojo na magiging masaya at progresibo ang taong 2014.
Sa kanyang text message na ipinadala sa DXVL kanyang rin pinasalamatan ang mga tauhan nito na patuloy ang pagbabantay sa nag dang yuletide season, bumabati rin ito ng manigong bagong taon sa lahat sampu ng kanyang mga pamilya at sa lahat ng bumubuo ng Kabacan PNP.
Tiniyak din nito na mas lalo pa niya’ng paigtingin ang kampanya nila laban sa anumang kriminalidad sa Kabacan partikular na ang pagtalima nito sa kanilang sinumpaang tungkulin “to serve and protect”. Rhoderick Beñez
DXVL Staff
...
Pagsalubong ng bagong taon sa Kabacan, generally peaceful ---PNP
Miyerkules, Enero 01, 2014
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento