Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sundalo sugatan sa vehicular accident sa Kabacan, .45 na pistol narekober

(Kabacan, North Cotabato/May 4, 2012) ---Sugatan ang isang sundalo makaraaang masangkot sa isang vehicular accident sa National Highway, Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato dakong alas 4:30 kahapon ng hapon partikular sa harap ng Presto ricemill.

Batay sa report ng Kabacan traffic Police sangkot sa nasabing vehicular accident ang isang kulay asul na Honda XRM na may plate number MO 1069 na minamaneho ni Sgt. Guiawali Guiamalon, member ng Charlie Coy 57IB, Philippine Army at residente ng Bagua 2, Cotabato City.

Binata kritikal matapos pagsasaksakin sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 4, 2012) ---Naging malubha ang kalagayan ng isang binatilyo makaraang pagsasaksakin ng isang 30-anyos na lalaki sa brgy. Bannawag, Kabacan, Cotabato alas 11:45 kagabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Geriaco Balanag Y Ano nasa tamang edad, walang asawa at residente ng Brgy. Pisan ng bayang ito, habang kinilala naman ang suspek na si Janito Orbanoso, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

1,700 na mga 4P’s beneficiaries ng Kabacan, makaktanggap na ng cash grants bukas

(Kabacan, North Cotabato/May 4, 2012) ---Matatanggap na ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Kabacan ang kanilang cash grant bukas.

Ayon sa tagapagsalita ng 4P’s ng Municipal Link ng Kabacan na si Janice Medal, 1,700 na mga beneficiaries ang inaasahang tatanggap ng nasabing ayuda mula sa gobyerno.

Kasong isinampa laban sa kidnap leader na si Lastikman; idinismiss ng hukuman

(Midsayap, North Cotabato/May 4, 2012) ---Dismayado ang isang mataas na opisyal ng pulisya sa North Cotabato makaraang madismiss ang kasong isinampa laban kay Datukan Samad o mas kilala sa ‘Lastikman’, inmate sa Kidapawan City Jail na tangkang i-rescue at patakasin sana noong Pebrero 19 matapos atakihen ng may mahigit sa 30 armado ang nasabing kulungan na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo katao at ikinasugat ng 17 iba pa.

Isinisi ni Sr. Supt. Cornelio Salinas, provincial director ng North Cotabato PNP, ang pagkakadismiss sa kaso ni “Lastikman” dahil sa malamig umano ang mga testigo na ipagpatuloy ang nasabing kaso.

Mid-year bonus ng mga regular na kawani ng USM; matatanggap na

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Maagang matatanggap ngayon ng mga regular na kawani ng University of Southern Mindanao ang kanilang Mid-year bonus matapos na pinirmahan na ni USM Pres Dr. Jess Derije ang voucher na nagkakahalaga ng P7M.

Ayon sa Pangulo ma-rerelease na ang nasabing bonus, anumang araw simula ngayon.

Full Payment sa tuition fee na mag-i-enroll sa USM; nilinaw ng Pangulo

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Bagama’t hinihikayat ang full payment sa pagbabayad ngayong enrollment dito sa University of Southern Mindanao.

Nilinaw naman ni USM Pres Dr. Jess Derije na pwede namang magbayad ng 50% kapag di kaya ang babayarang matrikula.

Pagbuwag sa illegal na droga sa bayan ng Kabacan; pokus ng bagong hepe ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Aminado ngayon ang bagong talagang hepe ng Kabacan PNP na isa sa mga pangunahing problema sa bayan ang talamak na pagtutulak ng illegal na droga partikular na ang shabu.

Ito ngayon ang pangunahing tinututukan ni P/Supt. Raul Supiter para tuluyan ng mabuwag itong mga nagtutulak at gumagamit ng nasabing illegal na droga.

Isang malaking bangko, magpapatayo ng Branch sa Kabacan; iba pang mga malalaking negosyante, papasok din sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Maliban sa isang malaking sangay ng bangko na papasok upang mamumuhunan sa bayan ng Kabacan, madami na rin umanong mga negosyante ang nakatakda pang maglalagak ng kanilang negosyo sa bayan.

Ito ang ibinunyag ni Administrative Officer Cecilia Facurib matapos na binuo na rin nila ang Technical Working Group ng Municipal Investment and Incentives Code na pangangasiwa sa mga maliliit at malalaking negosyo sa bayan.

Japan International Cooperation Agency tiniyak ang patuloy na suporta sa bayan ng Upi, Maguindanao

(Upi, Maguindanao/May 3, 2012) ---Bumisita si Japan International Cooperation Agency President Akihiko Tanaka sa bayan ng Upi, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kasamang bumisita ni President Tanaka ang ilan pang mga opisyales ng JICA, ilang miyembro ng International Monitoring Team, ang Manager at ilan pang opisyal ng ARMM Social Fund Project.

10,000 tilapia fingerlings, ipinamahagi sa mga mangingisda sa Midsayap

(Midsayap, North Cotabato/May 3, 2012) ---Pormal nang ipinamahagi sa mga mangingisdang Midsayapeño partikular sa Barangay Olandang ng bayan ang abot sa 10 thousand tilapia fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at tanggapan ni North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan.

Sa isang simpleng seremonya kahapon, tinanggap ng grupong KADALOMAN Association ang mga fingerlings kalakip ang feeds bilang panimula ng proyekto.

26 na pares, ikinasal sa "Kasalan ng Brgy." sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Mismong si Kabacan Mayor George Tan ang nanguna sa pagkasal sa 26 na couple sa isinagawang “Kasalan ng Barangay” sa brgy. Bangilan kamakalawa.

Ang nasabing aktibidad ay bilang bahagi ng ika-64th foundation Anniversary ng nasabing brgy.

Dumalo sa nasabing okasyon si Cotabato Governor Emmylou Lala Talino Mendoza ilang mga opisyal ng bayan kasama si Vice Mayor Pol Dulay.

Top Story of the day: DOE sa kooperatiba sa Mindanao- 20 megawatts lang muna, kaya 8-oras na load curtailment sa service area ng Cotelco, ibinalik

(Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Nagpalabas kahapon ng hapon ng deriktiba si Department of Energy Secretary Rene Almendras na bigyan ng 20 megawatts lamang na load dispatch ang lahat ng kooperatiba sa Mindanao mula sa NPC-PSALM.

Ito ang dahilan kung bakit balik sa walong oras na rotational brown-out ang mararanasan sa mga service area ng cotelco simula ngayong araw, taliwas sa unang inireport kahapon na abot na lamang ng limang oras na load curtailment.

Ayon kay Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio, sa panayam ng DXVL sa programang Morning News ngayong umaga, balik sa April Matrix ang susundin nila na load curtailment, hanggang sa di pa makabalik sa grid ang Pulangi Hydro Power Plant.

Load Curtailment na ipinapatupad ng Cotelco sa mga service area nito; bumaba na

(Kabacan, North Cotabato/May 2, 2012) ---Simula kahapon ay ginagamit na ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco ang kanilang bagong kontrata na 28megawatts mula sa NPC-PSALM, dahilan kung bakit bumaba na ng limang oras ang mararanasan na power interruption sa mga service area ng kooperatiba.

Ito ang sinabi ngayong hapon ni Cotelco spokesperson Vincent Lore Baguio kasabay na rin ng pagpapalabas nila ng bagong schedule ng load curtailment.

Lalaki sugatan sa isang vehicular accident sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/May 2, 2012) ---Sugatan ang isang Ricardo Gajo, driver ng Honda Wave makaraang masangkot sa isang vehicular accident sa National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato partikular sa harap ng Kusina Kabacan alas 5:00 kahapon ng hapon.

Seguridad sa Terminal ng Kabacan, pinaigting ng mga otoridad

Kabacan Terminal Complex

(Kabacan, North Cotabato/May 2, 2012) ---Tiniyak ngayon ni Supt. Raul Supiter, ang bagong talagang hepe ng Kabacan PNP na nagpapatuloy ang kanilang pagbabantay lalo na sa Kabacan Terminal complex dahil sa mataas na banta ng bomb threats sa bahaging ito ng Mindanao.

Una naring ipinag-utos ni P/SSupt. Cornelio Salinas, Cotabato Police Provincial director ang pagsisiyasat sa mga bagahe na papasok o palabas ng mga terminal upang di makalusot ang mga improvised Explosive Device I IED na siyang ikinakarga sa mga sasakyan partikular na sa mga bus.

Sari-sari store sa Kabacan, nilooban; mga nakaw na items narekober

(Kabacan, North Cotabato/May 2, 2012) ---Abot sa mahigit sa P2,000 mga stocks ang muntik ng matangay ng di pa nakilalang magnanakaw matapos na manakawan ang Sari-sari store sa Mapanao St., Poblacion, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Batay sa report ng Kabacan PNP napigilan ang nasabing pagnanakaw matapos na marekober ang mga stolen items ng isa sa mga empleyado ni Kim Enanoria, may ari ng Carry Beer House, malapit sa pinangyarihan ng insedente, makaraang makatanggap ito ng text hinggil sa nasabing nakawan.

“Mangga Moro” na makikita lamang sa Mindanao; isinusulong ng isang opisyal sa Kabacan na kilalanin

(Kabacan, North Cotabato/May 2, 2012) ---Maliliit na mangga, malalaki ang buto kapag hinog, masarap papakin kapag hilaw dahil sobrang asim at kapag hinog naman ay sobrang tamis, ito isinalarawan ni Executive Director for Moro People’s Community Organization for Reform and Empowerment Zaynab Ampatuan, ang “Mangga Moro”.
Photo courtesy by: Zaynab Ampatuan

Ang “Mangga Moro” na dito lang sa Mindanao makikita ay mas kilala sa tawag na “Mangga Tidtu”  sa Maguindanaoan na ang ibig sabihin ay totoong Mangga, ayon kay Ampatuan.

Kaugnay nito, ipinagmamalaki din maging ni Councilor Jonathan Tabara ang nasabing Mangga matapos na kinilala ito ng mga sinaunang mga tao na naninirahan sa Mindanao.

Aniya, isusulong nito sa Sangguniang Bayan in aide of legislation ang pagkilala ng nasabing Mangga.

Ilang mga konsumedures ng Cotelco umalma dahil mataas pa rin ang bill sa singil sa kuryente sa kabila ng mahabang brown-out; Cotelco nagpaliwanag


(Kabacan, North Cotabato/May 2, 2012) ---Sa kabila ng mahabang brown-out na nararanasan sa mga service area ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco, inaasahan na ng mga konsumedures ang pagbaba ng bill sa singil ng kuryente ngayong buwan.

Pero imbes na bumaba, reklamo ng ilan na ganun pa rin ang halaga na kanilang babayaran.

Armalite rifle, narekober sa isang abandonadong sasakyan sa kidapawan city

(Kidapawan City/May 2, 2012) ---Narekober ang isang M16 armalite rifle sa isang inabandonang sasakyan na nakaparada sa gilid ng National Highway sa Kidapawan city dakong alas 7:00 ng gabi, kamakalawa.

Ayon kay Supt. Renante Cabico, City Police Director ng nasabing lungsod, isang Jun Obello na tauhan ni Cotabato 2nd district Representative Nancy Catamco ang nagpakilalang may ari ng nasabing long firearm.

Aniya, ang nasabing armas ay inisyu sa kanya ng isang pulitiko sa North Cotabato.

Nadiskubreng waterfalls sa Alamada, dinarayo ng mga turista

(Alamada, North Cotabato/May 2, 2012) ---Matapos madiskubre ng mga lokal na residente ng brgy Dado, Alamada amgh kagandahan ng kung tawagin ay asik-asik falls, dinarayo na ngayon ito ng mga turista.

Photo courtesy by: Ferdinand Cabrera
Sa pangunguna ng Provincial government, nagsagawa kahapon ng ocular inspection sa asik-asik falls kungsaan nakita ng mga opisyal ang kagandahan ng lugar.

Inihayag ni North Cotabato Governor Emmylou Lala Taliño Mendoza na napakalaki ang potensiyal ng asik-asik falls bilang isa sa mga pangunahing tourist attraction sa lalawigan.

Sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista, binigyang diin ng gobernadora na kinakailangang mapanatili ang kalinisan ng lugar nang mapreserba ang angking ganda ng asik asik falls.

Notorious na magnanakaw sa Kidapawan city; patay sa pamamaril

(Kidapawan City/May 1, 2012) ---Patay on the spot ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng dalawang mga di pa nakilalang salarin sa Sinsuat Extension, Pobalcion, Kidaapwan city dakong alas 4:30 ng hapon nitong linggo.

Kinilala ni Supt. Renante Cabico, city police director,  ang biktima na si Danilo Saban, 48, tricycle driver at residente ng Magsaysay, Davao del Sur.

Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala sa ulo nito na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Mga kaso sa mga korte sa Kidapawan City nag-back log dahil sa brownouts

(Kidapawan CityMay 1, 2012) ---Aminado si Luzminda Cuabo, OIC Clerk of Court ng Regional Trial Court Branch 23, na higit sa 50 porsiento ng mga kaso na nasa ilalim ng kanilang sala ang ‘di na nila nadidinig dahil sa mga brownout.
       
Sa kada araw, abot sa 25 hanggang 30 ang mga kaso’ng dinidinig nila sa RTC 23.
       
Pero dahil brownout sa Kidapawan City mula alas-7 ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali, apektado maging ang court hearing nila.

Entrepreneurial ship hinihikaya’t ng isang opisyal sa R-12; bilang sagot sa kawalan ng trabaho ngayong Labor day

(Kabacan, North Cotabato/May 1, 2012) ---Hinikaya’t ngayon ni Philippine Information Agency Regional Director 12 Olivia Sudaria ang mga mag-aaral na kukuha ng entrepreneurial ship, bilang tugon sa tumataas na kawalan ng trabaho sa bansa.

Ito ang sinabi ng opisyal na una naring ikinakampaya ng pamahalaan lalo na ng Department of Labor and Employment o DOLE at ng Department of Trade and Industry o DTI.

Aniya sa pamamagitan ng pagnenegosyo ay marami ang mabibigyan ng trabaho.

2 sugatan sa pagsabog ng granada sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/May 1, 2012) ---Sugatan ang dalawa katao sa pagsabog ng granada sa Poblacion, Pikit, North Cotabato alas 5:10 kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP ang mga sugtan na sina Joreva Mariscal, 54, guro at Teresita Delicano, 30.

400 mga learners nagtapos sa Literacy for peace and development (LIPAD) project sa Upi, Maguindanao

(Upi, Maguindanao/April 30, 2012) ---Kabuuang apat na raang mga learners ang nagtapos sa tatlong buwang pag-aaral ng Literacy for peace and Development (LIPAD) Project na pinondohan ng USAID.

Ang mga learners ay mula sa limang Brgy. ng Upi na kinabibilangan ng Brgy. Kibleg, Ganasi, Nangi at Borongotan.

Gawad Parangal ng Cotabato Police, isinagawa ngayong araw; Motorcycle theft incidents sa probinsiya ng North Cotabato; mas mataas kumpara sa kaparehong quarter ng nakaraang taon

(Amas, Kidapawan City/April 30, 2012) ---Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nakawan ng motorsiklo sa probinsiya ng North Cotabato, mas paiigtingin naman ngayon ng mga pulisya ang kanilang intelligence at monitoring sa mga lawless elements na sangkot sa nasabing pagnanakaw. 

Ayon kay P/SSupt. Cornelio Salinas, Cotabato Police Provincial Director tumaas ng 11 o katumbas ng 137.5% ang kaso ng nakawan ng motorsiklo sa North Cotabato kumpara sa nakaraang taon mula buwan ng Enero hanggang Marso.

24-anyos na lalaki; huling nagnanakaw, illegal na droga narekober pa mula sa kanya

(Kabacan, North Cotbato/April 30, 2012) ---Narekober mula sa isang 24-anyos na suspek ang isang heat sealed plastic sachet na pinaniniwalaang shabu makaraang mahuling aktong nagnanakaw ng isang pampasabong na manok ala 1:25 kahapon ng hapon sa Sunset St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.
 
Mismong si councilor Reyman Saldivar kasama si Jover Sumatra ang nakahuli sa suspek na nakilalang si Charnel Salinas, 24 na taong gulang na residente ng Purok Miracle ng bayang ito.

Sa ngayon, nasa Kabacan lock-up cell ang suspetsado habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Samantala, pwersahang sinira naman ng magnanakaw ang likurang bahagi ng bahay ng Ulangkaya residence makaraang pinasok ito ng di pa nakilalang salarin nitong hapon ng Sabado.

25% na generation load dispatch; iginigiit na ibigay sa Cotelco at sentro sana ng magiging kilos protesta na na-postponed nitong Biyernes

(Kabacan, North Cotabato/April 30, 2012) ---Sinabi ni Cotelco OIC General Manager Engr. Godofredo Homez na nakasentro sana ang gagawing kilos protesta nitong Biyernes ng mga lokal na opisyal ng North Cotabato at mga power consumers ang panawagan na ibigay ang direktang 25% load dispatch mula sa Mt. Apo Geothermal Power plant sa Cotelco.

Ito kasi ang nakasaad sa batas na ER-94 na dapat ay may dalawampu’t limang porsientong load dispatch ang host community kagaya ng cotelco na direktang kukuha ng power supply mula sa Mt. Apo Geothermal Plant sa tuwing dadanasin ang power crisis, na di naman naipapatupad sa ngayon.

3 years old na bata na mag-bibirthday sana bukas; patay matapos malunod sa Fishbond sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/April 30, 2012) ---Hindi na umabot ng kanyang kaarawan bukas ang magta-tatlong taong gulang na bata, makaraang malunod sa fishpond dakong alas 3:30 ng hapon nitong Biyernes sa isang bulubunduking lugar sa brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa report ng pinagkakatiwalaang source, kinilala ang bata sa pangalang Lovely Joy Mibalo, residente ng nabanggit na lugar.

30 araw na rules ng ERC dahilan kung bakit di agad nabigyan ng dagdag na power load ang Cotelco mula sa TMI-Aboitiz

(Kabacan, North Cotabato/April 29, 2012) ---Humaba ng abot sa 8 hanggang 10 oras na total black-out ang nararanasan sa service area ng Cotelco simula ngayong buwan ng Abril, ito dahil sa 30 araw pa bago maaprubahan ng Energy Regulatory Commission o ERC ang hiling ng cotelco na dagdag na load dispatch mula sa Therma Marine Incorporated o TMI.

Ito ayon kay Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez dahil nitong April 2 ng kasalukuyang taon lamang sila nag-aaply sa ERC ng dagdag na 8 megawatts bilang pandagadag na supply sa nararanasang power crisis sa Mindanao.

Napocor, at iba pang ahensiya ng gubyerno na may kinalaman sa kuryente sinampahan ng kasong sibil ng isang mataas na opisyal ng Kidapawan City

(Kidapawan City/April 28, 2012) ---Sinampahan ng kasong sibil ng isang mataas na opisyal sa Kidapawan City ang National Power Corporation (NPC), kasama na ang iba pang ahensiya ng gubyerno, para ma-obliga ang mga ito na ibigay sa lungsod ang 25 porsiento ng kuryente na sinu-suplay ng dalawang mga geothermal power plants sa Mount Apo na pag-aari ng Energy Development Corporation o EDC.        

Dumating sa opisina ng Clerk of Court si Kidapawan City Vice-Mayor Joseph Evangelista, kasama ang dalawa nito’ng mga abogado, para isampa ang, “Mandamus with Prayer for Issuance of a Writ of Preliminary Injunction and Damages.” Nitong hapon ng Biyernes.