(Kidapawan CityMay 1,
2012) ---Aminado si Luzminda Cuabo, OIC Clerk of Court ng Regional Trial Court
Branch 23, na higit sa 50 porsiento ng mga kaso na nasa ilalim ng kanilang sala
ang ‘di na nila nadidinig dahil sa mga brownout.
Sa kada araw, abot sa 25
hanggang 30 ang mga kaso’ng dinidinig nila sa RTC 23.
Pero dahil brownout sa
Kidapawan City mula alas-7 ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali, apektado
maging ang court hearing nila.
Sa umaga lang kasi
dinidinig ang mga kaso – na siya namang itinatakda ng Supreme Court, ayon kay
Cuabo.
Kung may mga kaso man
sila’ng dinidinig, ito ay mga urgent matters lamang, tulad ng paghiling ng
injunction, TRO, at iba pa.
At kung may court
hearing kahit brownout, hirap naman sa pagsusulat ng stenographic notes ang
kanilang mga court employees dahil sobrang madilim sa loob.
At dahil walang aircon
sa court room, di kaya i-accommodate ang maraming tao na madalas namang
nangyayari kapag malalaki ang mga kaso’ng kanilang dinidinig.
Dahil dito, bumaba raw
ang kanilang efficiency ngayong may brownout.
Hindi lamang ang RTC
Branch 23 ang may problema sa panahon ng brownout.
Ito rin ang nararanasa
ng ilan pang sala na nasa bayan ng Midsayap, Kabacan, at Makilala.
Ang brownout kasi sa North Cotabato, simula noong April 19, ay
limang oras sa araw at tatlong oras sa gabi o walong oras sa araw-araw.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento