(Kabacan, North Cotabato/May 2, 2012) ---Sa kabila
ng mahabang brown-out na nararanasan sa mga service area ng Cotabato Electric
Cooperative o Cotelco, inaasahan na ng mga konsumedures ang pagbaba ng bill sa
singil ng kuryente ngayong buwan.
Pero imbes na bumaba, reklamo ng ilan na
ganun pa rin ang halaga na kanilang babayaran.
Ayon kay Ginang Marivic Jumuad, residente ng
2nd Block Villanueva, hindi rin umano bumaba ang babayaran nito sa
bill sa kuryente ngayong buwan kahit pa man umaabot ng walong oras na di nito
nagagamit ang serbisyo ng kuryente.
Paliwanag naman ng pamunuan ng Cotelco na
ang bill na natanggap ngayong buwan ng Abril ay kasama pa umano ang mga
nakonsumo na kuryente nitong buwan ng Marso.
Kaya naman ayon kay Cotelco Spokesman
Vincent Lore Baguio, na posibleng mamarka ang April billing sa buwan ng Mayo at
doon na malalaman kung bumaba nga ba ang singil ng kuryente dahil sa kasagsagan
ng ipinapatupad na rotational brown-out sa mga service area ng cotelco.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento